"Anna?" Nagmamadali akong nagpunas ng aking mukha bago ako lumabas ng banyo. "May nangyari ba?" Umiling ako at sumagot. "Wala naman po, Pa." "Nagkita kayo ni Andrew?" "Kapag ginulo ka na naman niya, sabihin mo sa kaniya na kakausapin ko siya." "Pa, huwag na po!" Papapuntahin ko dito ang lalake? Hindi niya puwedeng makita si Allesia. "Saka, Pa, wala po siyang planong magpaliwanag. Tinatanong ko siya kung bakit niya ginawa iyon, pero hindi po siya makasagot." Bumuntong hininga si Papa. "Anak, wala naman na tayong magagawa dahil kasal ka na... Siguro, patigilin mo muna sa panliligaw si Jab." Nagulat ako sa payo ni Papa. Unfair kay Jab, pero bakit iba ang pakiramdam ko sa sinabi ni Papa. Pagkatapos ng mga nangyari bakit parang nasa lalake pa din ang boto niya? Ayaw kong magkasa