Nagsimula ng magtrabaho ang mga trabahador. Kaya sila din ang kinuha ko dahil sumusunod sila sa plano. Tatlong oras pa lang pero madami na silang nagawa. Dahil do'n nag-order ako ng isang malaking bowl ng bulalo para sa kanilang lunch at may kasama na ding softdrinks. Bumaba ako para kunin ang pagkain. Hanggang lobby lang kasi ang mga delivery riders. Nagulat ako nang magbukas ang pintuan sa unit ni Andrew. Bakit kaya siya nandito? Sa kaniya din ba ang unit na iyan? Wala pala akong pakialam. "Anna," tawag niya sa aking pangalan nang nasa tapat na ako ng pintuan, pero hindi ako nag-abalang lingunin siya. Nagbingi-bingihan ako. Nagulat ako sa pagtawag niya sa akin. Hindi ko lang inaasahan na pagkatapos ng ginawa niya sa akin, mayroon siyang mukhan ihaharap sa akin ngayon. Okay pa sa