Nagpahid ako ng liptint para hindi mahalata nina Mama ang aking labi na kulay ube. Medyo mahapdi na nga. Hindi talaga ako magpapahalik muna kay Andrew. Tapos na akong maglaba nang dumating sila. Nagmano ako bago ako bumalik sa kuwarto ko upang plantsahin ang aking uniform para bukas. Ilang minuto na lang ay magdidilim na. Mula dito sa loob ay dinig ko ang boses ng marites habang kausap si Mama. Pumipintig ang aking sentido sa inis dahil akala mo naman pinapasahod siya ni Mama upang i-report ang ginagawa ko habang wala ang mga magulang ko dito.. Hindi niya bantayan ang anak niya na isa at baka mabuntis din gaya ng isa niya pang anak. "Nang nakaraan ginabi ng uwi si Anna, ah. Hinatid n'ong naka-motor. Nagtataka tuloy ako. Di ba, may manliligaw siyang naka-kotse. Pogi ng binatang iyon