Nagpunta ako ng mall pagka-out ko sa aking trabaho. Mag-aaral ako sa araw at sa gabi naman ay magtatrabaho ako. Nagtalo pa nga kami ni Andrew tungkol dito, dahil ang gusto niya ay mag-resign ako. Hanggang ngayon nagtatampo pa siya, pero alam ko na lilipas din ang tampo niya. Mag-isa lang tuloy akong namili ng school supplies ko. May work daw si Andrew ngayon. Iniisip ko na sinasadya niyang magpaka-busy sa work dahil nagdadamdam pa din siya. Alas-nuebe na ng makauwi ako. Nadatnan ko ang mga magulang ko at magulang ni Andrew sa condo. May spare key ang mga magulang niya. "Si Andrew?" tanong ni Mommy. "Ah, nasa work pa po," sagot ko naman. Hindi pa din pala siya umuwi. Pumasok ako ng kuwarto para magpalit ng damit. Nag-text din ako sa kaniya. Sinabi ko na nandito ang parents nam