Sobrang sakit ng katawan ko nang magkamalay ako. Dahil sobrang hapdi ang aking mga mata at hindi ko magawang imulat, tumagilid ako at yumakap ng mahigpit sa lalakeng katabi ko. Ramdam ko naman ang mahigpit na pagyakap niya sa akin. "I love you," paungol at tila nananaginip pa niyang bulong. Inaantok pa ang kaniyang boses. Dahil sa mainit niyang balat ay mas naging komportable ang aking pakiramdam. Gusto kong sagutin ang kaniyang sinabi, pero hindi ko na nagawa dahil sa labis na antok. Pero bahagyang nagising ang diwa ko nang maramdaman ko ang paggalaw ng kama sa likuran ko. Pinilit kong idilat ang isa kong mga mata at nakita ko nga ang batang nakatayo sa ibabaw ng kama, habang nagtatakang nakatanaw sa amin ng kaniyang ama. Pumikit ulit ako. Iinat sana pero ang higpit ng pagkakaya