Walang pasok ngayon, pero kailangan kong bumangon para asikasuhin ang anak ko. Hinahanap nito ang kaniyang Daddy. Nasanay na siya na lagi silang magkasama ni Andrew kaya naninibago siya na ilang araw na itong hindi nakikita. Umiiyak ito ngayong umaga kaya napaiyak na din ako, kahit na pinipigilan ko ang sarili. Ayaw kong maging mahina sa harapan ng aking anak, pero hindi ko na din kinakaya ang mga nangyayari. Pinaliguan ko siya at pinakain. Naglaro din kami hanggang sa mapagod siya at makatulog. Nakaidlip din ako ng ilang minuto. Nakatulala ako ngayon sa harapan ng aking laptop at pinipilit na magtrabaho. Hindi puwedeng mapilay ako dahil sa nangyayari. Dapat tuloy-tuloy pa din ang buhay kahit nasisira na naman ang bait ko dahil sa ginagawa ni Andrew. Hindi talaga siya sumunod. Hind