Napapansin ko ang madalas na paninitig sa akin ng batang kapitbahay namin. At alam ko na kung bakit. Mabenta naman talaga ako sa mga kababaihan kaya hindi na ako nagtaka na pati siya ay nakakaramdam ng paghanga sa akin. Lumaki siyang magandang bata. Lagi siyang nagpupunta sa bahay dahil malapit siya sa amin. Nang baby pa lang siya ay hinihiram siya nina Mommy at Ate at dinadala sa bahay. Maganda naman siya, pero masyado siyang bata. At hindi ako pumapatol sa bata pa. Kahit magdalaga na siya at tumuntong ng legal na edad, hindi pa din siya para sa akin. Ang laki ng agwat ng edad namin. At hindi ko din naisip na magugustuhan ko siya. Hindi pa naman nagkakaubusan ng babae sa mundo. Napapailing na lang ako kay Anna kapag nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin. Madalas din itong magpunt