Chapter 2
Nagising si Camilla sa nakakatalot na bangungot. Nag danak ang malamig na pawis sa kaniyang noo at leeg, at nahihirapan din humingga.
"Hon, hon!" Tawag ng nag- aalalang asawa ko at lumapit sa tabi sa kinahihigaan niyang kama. "Kamusta kana? Ayos lang ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Ano?" Gumuhit na ang pag-aalala sa mukha ni Marco na sinusuri kong nasaktan o maayos lang ba ang kalagayan ng munting asawa.
"W-Wala, ayos lang ako." Nandon pa rin ang takot sa dibdib ni Camilla, at napag tanto niya na malalim pa din ang gabi. "Hon, may nakita a-ako, may nakita akong babae at kanina niya pa ako p-pinag mamasdan. Nakakatakot ang kaniyang itsura... Nasasaktan niya ako. Sasaktan niya ako M-Marco." Naiiyak na pag- susumbong ni Camilla sa asawa. Labis na ang takot at kilabot sa dibdib ni Camilla ang nakakatakot na nilalang na nasaksihan niya mismo sa silid nilang mag-asawa. "M-Marco, natatakot ako. Doon naka tayo ang nakakatakot na babae, na aking nakit--" tinuro at hindi na natapos ni Camilla ang kaniyang sasabihin na wala na siyang nakitang anino sa kadiliman kong saan niya nakita ang nakakatakot na nilalang na kaniyang nakita.
Paano?
Asan na ito?
Sinundan din ni Marco ang kaniyang tingin pero wala din itong nakita. Tumayo ang kaniyang asawa at binuksan ang ilaw, at doon naging maliwanag at klaro sa mga mata ni Camilla na wala nang nakakatakot na nilalang doon. Tanging blangko na lang at wala ng kahit anong bakas na kaniyang nakita.
"Wala naman Hon," formal na tinig ni Marco. Sinilip at isa-isang tinignan ang bawat sulok ng kanilang silid ni Marco para masiguro na walang ibang tao ang naka puslit na naka pasok sa kanilang bahay. "Wala naman akong nakitang ibang tao Hon. Guni-guni mo lamang iyon," lumapit si Marco kay Camilla at binigay ang baso na laman na tubig na hinanda niya para dito.
"P-Pero may nakita ako Hon, hindi ako pwedeng mag kamali sa aking nakita. Babae siya, hindi siya normal na tao. M-Multo siya." Naiiyak na si Camilla dahil hindi siya magawang paniwalaan ni Marco. Naiintindihan niya naman dahil walang maniniwala kong ano man kagimbal at nakakatakot na nakita at naranasan ko ng sandaling iyon.
"Inumin mo muna ang tubig. Just relax okay?" Pag papasunod nito, at sinimsim ni Camilla ang tubig, na kahit papaaano napakalma naman siya nito. "Lumabas lang kasi ako kanina dahil nauuhaw na ako, maya't-maya narinig ko na lamang ang malakas na pag sigaw mo kaya't nag mamadali na akong tumunggo sa silid natin, para tignan ang kalagayan mo. Pag pasok ko, nadatnan na lamang kita sa sahig at wala ng malay." Kwento ni Marco, at hindi pa rin nag sink-in sa isipan ni Camilla ang sinabi nito.
Wala naman siyang natatandaan na sumigaw bago nawalan nang malay, pero anong narinig ng kaniyang asawa na sigaw kanina?
Marami pa rin nag lalarong mga katanungan sa isipan ni Camilla na hindi niya masagot.
"Labis akong nag- alala ko, kaya't binuhat na lang kita pabalik ng kama.. Alam mo Hon, siguro pagod ka lamang, at sa panunuod natin kanina ng horror kaya't kong ano-ano na ang nakikita at naiisip mo." Anito.
Pero hindi eh. Hindi guni-guni lamang iyon.
Totoo ang nakita ko.
May nakita talaga akong nakakatakot na nilalang.
May nakita akong babae.
Niyakap ni Marco ang kaniyang asawa at binigyan ng halik sa buhok para ipadama na hindi ito nag-iisa.
"Pasensiya na Hon, kong iniwan kitang mag-isa kanina. Huwag kanang matakot, nandito naman ako., I love you," humigpit ang pag- kakayakap ni Camilla sa asawa na kahit papaano naalis na rin ang pangamba sa kaniyang dibdib dahil nariyan naman ang kaniyang asawa.
Kina-umagahan maagang nagising si Camilla para ipag handa at ipag luto ng masarap na almusal ang kaniyang asawa, dahil papasok ito mag trabaho. Sabay na rin silang dalawa, na nag salo ng pagkain at pinag baunan niya din ito ng pagkain na kakainin nito sa pag pasok sa trabaho.
"Aalis na ako Hon, wala bang mahigpit na yakap diyan?" Pag lalambing ni Marco na ngayon naka- bukas ang palad nito para hinihintay nitong yakapin siya ng kaniyang asawa. Ngumiti na lamang si Camilla at niyakap si Marco at mabilis nitong hinalikan sa labi.
"Bye, mag-iingat ka sa trabaho Hon hmm?" Inayos ni Camilla ang tie nito at hinarap muli ang asawa.
"Parati naman akong nag-iingat, aking mahal. Masilayan ko lamang ang maganda mong mukha tuwing umaga, buo na ang araw ko." Kinilig si Camilla sa nasambit ni Marco, hindi parin mawala ang kilig at kiliti sa tuwing nag lalambing at babanat ito.
"Ang sweet sweet naman ng asawa ko," pinang- gigilan ni Camilla ang pisngi ng asawa.
"Aalis na ako Hon, sigurado ka lang ba na okay ka lang mag-isa dito?" Tumango na lang si Camilla sa asawa.
"Oo, ayos lang talaga ako, huwag kang mag alala sa akin Hon." Nawala na ang pangamba at takot sa dibdib ni Camilla. Siguro nga tama ang sinabi ng kaniyang asawa, na guni-guni niya lamang kong ano ang nasilayan kagabi, at walang katotohahan na nakita niya ang babaeng naka- puti.
Winawaksi na ni Camilla sa kaniyang isipan ang ganapan na nangyari kagabi. Siguro tinatakot lamang siya ng kaniyang isipan, kaya't kong ano-ano na ang kaniyang naiisip at nakikita. Hindi dapat siya mag patalo sa takot, dahil hindi totoo ang mga multo.
Isipan lamang ng mga tao, ang mga halimaw at mga multo. Dapat maging masaya at wala siyang isipin na kong ano-ano. Tinatatak sa isipan ni Camilla na dapat maging masaya sila sa munting bahay at pag sasama nila ni Marco sa iisang bahay.
Nang maka- alis na si Marco dala ang sasakyan, nilibang na lang ni Camilla ang pag lilibot sa bahay at pag lilinis na rin. Wala naman siyang gaanong gagawin kaya't nilibang na lang muna niya ang kaniyang sarili dahil mag-isa lamang siya sa napaka laking bahay nila ni Marco. Nang matapos mag tanghalian, umakyat si Camilla sa silid para matulog saglit.
Naalimpungatan si Camilla sa pag-iidlip nang marinig ang malakas na pag kabasag ng kong ano sa sala.
Mabilis na tinahak ni Camila pababa at labis ang gulat na kaniyang madarama ng makita ang baso na ngayon nahuli na sa tiles. Nag kalat ang basag na parte ng baso, at bubog sa sahig.
Paano?
Anong nangyari?
Bakit nabasag ito?
Chineck ni Camilla ang paligid at na8ka lock naman ang pintuan sa kanilang kusina. Tanda niya pa, bago siya umakyat ay siniguro talaga niya na naka- sarado ang bawat pintuan at bintana na walang ibang makakapasok sa kanilang bahay at kahit na rin pusa, pero bakit nabasag ang baso?
Siguro hinangin ang baso kaya't nabasag na ito.
Ayaw niyang takutin ang kaniyang sarili.
Kinuha ni Camilla ang walis-tambo at dustpan para ligpitin ang baso na nabasag, at nilagay narin niya sa basurahan iyon.
Sa gilid ng mga mata ni Camilla, mabilis at tila ba anino na nahagip siya na tingin, na mabilis itong nag laho sa hangin.
Matangkad ito, at hugis anino lamang iyon.
Patuloy lamang nag lalakad si Camilla at hinahanap niya kong ano ang kaniyang nakita.
"Hello? May tao ba diyan?" Sambit niya habang nag lalakad palabas sa kusina. Bumigat na rin ang pag hingga ni Camilla dulot ng takot na hindi niya mawari kong ano ang hugis tao na kaniyang nakita.
Rinig na rinig ni Camilla ang mabigat na yabag ng mga paa.
Mga yabag na nag patayo ng balahibo sa kaniyang katawan.
Mga yabag na nakaka kilabot at nakakatakot.
Mga yabag, na alam kong hindi akin.
"May tao ba diyan?" Ginala ni Camilla ang kaniyang tingin pero wala siyang nakita.
Palakas ng palakas.
Nakaka- kimbal ang tunog at bawat pag-apak ng mga paa, na nag bibigay takot sa kaniyang puso.
Ano iyon?
Hanggang dinala ng mga paa si Camilla sa kanilang malawak na sala. Doon napa-piyok at nanigas ang katawan ni Camilla sa labis na sindak ng makita ang taong naka-upo sa couch.
Naka talikod ang misteryosong babae, kaya't hindi niya gaanong napag-masdan ang mukha nito.
Klarong-klaro sa kaniyang paningin na ang mahaba na buhok na nakakapangilabot at hugis ng katawan nito. Nanunuot sa katawan niya ang sindak at pangamba na ito ang babaeng nakita niya kagabi.
Hindi maisipan ni Camilla sa kaniyang isipan na ihakbang ang mga paa niya palapit sa nakakatakot na nilalang.
Alam niyang hindi normal na tao ito, pero gusto niya pa din lapitan ito.
Gusto niyang makita ito.
Nabalot na rin ng takot ang kaniyang puso na tangkang hahawakan ang misteryosong babae, na alam niya na rin sa kaniyang sarili na hindi ito normal.
Natatakot ang kaniyang puso, na baka sakmalin na lamang siya nito.
Natatakot siya na masaksihan ang nakaka-takot na nilalang kapag nakita niya ang kabuuang mukha nito.
Nilunok ni Camilla ang laway kasabay ang pag t***k ng puso niya sa labis na takot.
Ramdam niya ang malamig na kamay na humawak sa balikat ni Camilla, na mapa- sigaw siya sa labis na takot.
"Jusko!" Sapo-sapo ni Camilla ang dibdib na kulang na lang atakehin siya sa labis na takot ng makita ang matandang babae na hindi familiar ang itsura, na ngayon niya pa lang nakita.
Mataba ang babae at hanggang balikat ang buhok. Naka- suot ito ng damit, na halatang disente naman ang dating nito. "Pasensiya na Miss kong ginulat kita at pumasok na ako sa inyong bahay na walang pahintulot mo." Anito at pakiramdam ni Camilla nanuyo ang laway niya sa labis na sindak.
"Sorry po, nagulat lang ako sa biglaang pag dating mo." Sapo-sapo ni Camilla ang noo at namuo na ang malamig na pawis. "Siya nga pala, sino ho kayo?"
"Sorry hindi ako gaanong nakipag-kilala sa'yo. Ako si Claridad ang kapitbahay niyo, doon lang ako naka- tira sa ikalawang bahay." Matamis na ngumiti ito. "Kanina pa kasi ako kumakatok sa bahay niyo, kaya't naisipan ko na lang na pumasok ng makita kita sa bintana kanina. Inisip ko na lang na hindi mo narinig ang pag tawag mo sa akin kaya't pumasok na ako, tutal naka- bukas naman pala ang pintuan." Umarko ang kilay ni Camilla sa sinabi nito. Ha? Bukas ang pintuan nila? "Siya nga pala Hija, may nilutong carbonara ang asawa ko, kaya't naisipan ko na rin na bigyan kayo dahil sobra naman ang niluto niya na kami lamang mag-asawa ang kakain." Naka- ngiting kwento ng matanda.
Nilahad nito ang malaki na tapperware na laman ng carbonara na ginawa ng kaniyang asawa, at malugod naman na tinanggap ni Camilla, dahil natakam na rin siya sa sarap ng amo'y no'n.
"Maraming salamat po. Gusto niyo po muna mag tea? Mag- hahanda po ako," pag aanyaya niya dito.
"Sa susunod na lang araw Hija, may gagawin pa ako. Siya aalis na ako, pasensiya na talaga ulit sa pag pasok ko sa bahay mo." Nag paalam na ang matanda at hinatid niya pa ito sa may pintuan.
Napa- titig si Camilla sa hawak niyang tapperware, at naka dama siya ng gutom na gusto niyang matikman iyon.
Napa daan si Camilla sa sala at bumaling siya sa couch.
Wala na siyang naaninag pang ulo at katawan ng babae na nakita niya kanina.
Ano iyon?
Anong pakay mo sa akin?
Sino ka ba talaga?