Anim na buwan na ang lumipas simula ng mawala si Senyora. Unti-unti na din bumabalik sa ayos ang lahat. Ang iba na sobra-subra ang trauma na naranasan nila dito sa Helveria ay ayaw ng magpatuloy pa. Kaya hinayaan sila ni Mommy na makalabas at ipagpatuloy ang buhay nila sa labas. Ang iba naman ay nanatili dahil wala na nga raw si Senyora at wala ng dahilan para matakot sila. Nagpatuloy din kami sa buhay namin dito sa loob. Tuwing katapusan ng buwan ay hinahayaan kami ni Mommy na mamasyal sa labas. Minsan ay sinasama niya din kami nila Daddy. Babawi raw sila sa mga panahon na hindi nila kami nakasamang magkapatid. Gusto din namin ni Demiree iyon. Hindi ko din gaanong kilala talaga ang pagkatao niya kaya mas gusto ko mas maging malapit pa kami sa isa't-isa. Kontento na ako sa ano man ang m