Matapos namin mag-usap ng masinsinan ay dinala ko siya sa bahay na tinitirhan namin dito sa gubat. Dito din namin dinala ang mga kaibigan namin para magtago. "Paano ka nagkaroon ng bahay dito?" napalingon ako kay Zain dahil sa tanong niya. "Tinulungan ako nila Spencer." "Si Spencer? Buhay siya?" Si Spencer ang isa sa mga myembro din ng grupo ni Zain. Isang taon palang naging myembro si Spencer ay nadetention na ito. Noong nasa detention ko lang din nalaman na buhay pa pala siya. Isa siya sa mga malapit na kaibigan ni Zain. Kilala ni Zain ang iba pero si Sabrina, Valerie ay hindi gaanong kilala si Zain nakilala lang din nila ito base sa mga kwento ko. Nakita na nila ito nang madetention ito pero isang beses lang din nangyare iyon. "Oo lahat ng mga nadention na hindi na nakalabas ay bu