NAKATULOG pala ako hindi ko namalayan siguro dahil sa pag-iyak ko. Bumangon ako para uminom ng tubig. Alas dos palang ng madaling araw. Hindi ko mawari kung bakit bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Hindi ko maintindihan ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Pilit ko nalang inalis sa isip ko ng kaba at saka bumalik sa higaan. Pero umabot na nang isang oras ay hindi na ako muli pang nakatulog. Malapit ng mag-umaga, pinili ko nalang maligo at maghanda para sa pagpasok. Tulog pa ng mga kasama ko. Kaya nauna na ako sa kanilang pumunta sa Dinning Hall. Saktong alas kwatro y medya ng umaga nasa Dinning Hall na ako. Inorderan ko sila ng makakain nila. "Des, ang aga mo naman,bakit ang tamlay mo? Natulog ka ba?" agad na tanong ni Sabrina pagka-upo niya. "Oo naman, p