"Ano ba problema mo? Kanina ka pa diyan bumubuntong-hininga?" tanong ni Anne na nilapag ang libro. Nasa isang bench sila ng University. Nagkataon ng mga oras na iyon ay parehong vacant time nila. Dalawang oras pa bago ang pangalawang klase nila kaya pinili na lang nila mag-review. Sa ganoong araw lang naman magkatugma ang schedule nila ni Anne. "Wala." "Sus! Wala raw! Kilala kita, my labs. Alam kong may bumagabag sa'yo," sabi ni Anne na hinawakan siya sa balikat. "Sige na, sabihin mo na sa'kin kung ano ang problema mo ngayon. Sabihin na lang natin na hindi mo ako ngayon dakilang admirer kundi kababata at matalik na kaibigan." Tumingin lang siya sa kaibigan. Umiling. Maganda ang hangarin nito pero hindi siya nito makukumbinsing sabihin kung ano ang problema niya. Isang linggo na buhat