Chapter Nine

1918 Words

Nagising si Darren nang maramdaman na tila may dumagadagan sa kanya. Nagtaka pa siya noong una, lalo na't sa pagmulat niya ng mga mata ay hindi pamilyar na kuwarto ang nakita niya. Ngunit kaagad din siya napangiti nang sa pagbaling niya ay mukha ni Renzo ang kanyang nabulwagan. Mahimbing ang tulog nito. Kahit nang pinaglakbay niya ang kanyang daliri sa kilay at pisngi nito ay hindi ito nagising. Pinagsawa niya ang kanyang mata sa abogado. Tila ba gusto niyang tumigil ang pag-ikot ng orasan ng mga sandali iyon. Kung sana'y habang buhay nila ganoon ni Renzo. Magkatabi. Sa kanila ang sandali. Pinasok niya ang kamay sa ilalim ng kumot para haplusin ang tiyan nito. May mumunting buhok doon malapit sa puson nito kung kaya't pinaglaruan ng mga daliri niya. Pareho silang walang saplot ni Renzo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD