bc

Reaching Sky (6)

book_age16+
6.7K
FOLLOW
22.2K
READ
billionaire
possessive
arranged marriage
badgirl
independent
drama
sweet
bxg
campus
first love
like
intro-logo
Blurb

Nabulag si Scarlet Gail de Vera o bilang si Sky sa mga fairytales na napapanood niya. She's dreaming of becoming a real princess with a prince that would save her. Bata pa lang siya ay yun na ang akala niya sa sarili niya, na isa siyang prinsesa. Pero sa pagdating ni Snow sa buhay niya ay mababago ang pananaw niya sa inaakala niyang fairytales. Paano kung ang lalaking gusto niyang maging prinsepe ay nakatadhana na sa isang babae? Paano kung hindi siya ang Snow White na inaakala niyang siya? Paano kung hindi naman pala siya isang prinsesa? Anong posisyon niya sa isang fairytale kung ang hinahangad niyang posisyon ay pagmamay-ari na pala ng iba?

chap-preview
Free preview
Prologue
Mean They all say, baka nasa tabi tabi lang ang makakatuluyan mo. They all say, baka di mo alam nakakausap mo na pala. At an early age, I am already aware with love because of fairytales. Nakahiligan ko ang mga ganoong palabas kaya kahit ako, sa murang edad ay naghahangad narin ng isang Prinsepe.  "Sky, magpakabait ka doon sa school ha baby..." Dad eyed me hopefully early that morning on Monday. I nodded while thinking about my new school. Nakakailang hanap na kami ng mga eskwelahan but I hated them for looking so baduy. I want something enchanting... Iyong nagniningning ang mga mata ko at pursigido akong pumasok araw araw. "Dad, yung school ko ba parang castle?" I asked him. Nalaglag ang aking mga mata sa aking kandungan kung nasaan ang aking lunchbox. Ang pink na kulay noon at may snow white na desinyo ay nakakaagaw ng pansin. "Yes baby." Ngumisi si Dad sakin nang makita niyang mabilis akong nag-angat ng tingin sa lumiliwanag kong mukha. My Daddy is aware how I love to be a Princess. I mean, sa edad kong ito, it's normal to like fairytales.  "And prince?" "Ahuh. Lots of prince." Kumindat si Dad sakin.  "Yung matangkad? Maputi? Yung guwapo? Nakasakay sa puting horse at may sword?" My eyes twinkled as I anticipated for his answer. Dad chuckled. Well, I am not joking.  "Maybe you can see one of those guys there my princess. Masyado kanang mahilig sa fairytales. How about barbie dolls Sky? Kaya yung pinsan mo ayaw na sumasama sayo dahil sinisira mo ang dolls niya. Why?"  "Simply because dolls don't have prince. I wanna be a Princess Dad. Not a barbie. I want my own prince. Iyung aakyat sa'kin sa castle at isasakay niya ako sa white horse niya and then he'll fight the dragon with his sword." I said dreamily. Gustong gusto ko talaga yung fairytales. Lalo na yung nagsusuot sila ng gowns tapos isasayaw sila ng Prinsepe nila! That's my dream! "Whatever you say Sky. Dad will always support you..." Aniya habang iniikot ang manibela at pinapark na sa bakanteng parking lot ang kotse. "We're here now. Unlock your seatbelt." Pinatay niya ang kanyang sasakyan kaya kinalas ko rin naman ang seatbelt ko saka kami lumabas ng kotse ni Dad.  Napatingin ako sa school na pang kindergarten talaga. Nakahawak lang ako sa kamay ni Dad habang pumapasok kami. May mga nakikita akong ibang estudyante pero ang papanget nung iba. Wala namang panget sa fairytales eh. Hindi ko sila papansinin.  Pumasok kami sa isang classroom. My eyes drifted on the lady who's wearing a teacher uniform. Wait...  "Hi Scarlet Gail!" she greeted. I eyed her serioisly as my face crumpled. Ba't ganyan yung buhok niya? Kulot? Tapos may malaki pa siyang nunal sa may ilong niya? Siya ba yung magiging teacher ko?  I pulled my dad's suit at tiningala ito. "I don't like her Dad. Para siyang witch. Ang panget," I told my Daddy na ikinagulat nung teacher kong nakikita ko sa libro.  I mean kamukha niya talaga! Lumabas ba siya sa book para maging hindrance sa lovestory ko?! Baka maging hadlang siya! Gagamitan niya ako ng itim ng mahika! No way!  "Sky. That's bad," saway ni Dad sa akin. "No. Her face is bad." Bumusangot ang mukha ko. Nahipo ni Daddy ang kanyang batok and smiled apologitically to her. "I'm sorry Maam. Ganito lang talaga ang anak ko. Anyway, ito ba yung all girl一 "Dad! Ayoko dito! I don't want her to be my teacher. She's a witch! Oh my God no way!" I exclaimed in frustration at naipadyak na ang school shoes kong kulay pink pa.  The teachers eyes widened in disbelief. Gosh! May ikakapangit pa pala siya! I'm not going to let her as my teacher! No way, no way! Paulit-ulit ko nang hinila ang laylayan ng suit ni Daddy. Ang kanyang mga mata naman ay pabalik balik sa akin at sa teacher na napangiti nalang. "It's okay Sir. Ganyan talaga ang mga bata." Tumawa siya na ikinalaki ng aking mga mata. Oh God! Ang creepy! Yung tawa niya hihihi! Nagpapanty kaya 'to? And where's her broom? "I don't want in here, Daddy!" Hinila ko na talaga ang kamay ni Daddy palabas. May kung ano siyang sinesenyas sa teacher na tumatango rin naman hanggang sa tuluyan kaming lumabas doon. Dad brushed his hair out of frustration. He sighed heavily as I pouted while looking up at him when we stop from walking. Lumuhod siya at hinawakan ang aking magkabilang braso. Inayos niya ang maalon kong buhok na hanggang dibdib at inilagay iyon sa likod. "I'm going to be late in my hearing, sweetie... Can you coorepate for awhile? Isantabi mo na muna ang pag-iinarte mo. This is the last school we found for you..." Namungay ang kanyang mga mata. Ngumuso ako at marahang tumango. "Fine. But I want a boy teacher! Ayoko ng babae!" Daddy nodded and pat my head. Kinausap ni Daddy ang principal ng school para ilipat ako ng classroom. Pumayag rin naman at inasikaso agad ang paglilipat ko kaya hinatid narin ako ni Daddy sa final kong magiging classroom. "Sampo lang daw kayo sa loob ng classroom at VIP iyon. So I want you to behave okay?" Dad squeezed my hand while we're walking. Tumango ako at hindi na nagsalita pa dahil alam kong malilate na siya pag nag-inarte pa ako lalo. Nakakainis yung work niya. Why not let them rot in jail? Dinadamay pa nila Daddy ko. Ayan tuloy ang busy niya.  Pumunta na nga kami doon sa classroom na pinaghahalo ang Kinder 1 at Kinder 2 na mga estudyante. Maybe may kinalaman iyong narinig kong donation ni Daddy sa school kaya pinaboran agad akong lumipat dito.  Ang ganda noong loob nang makarating kami roon. Hindi gaanong dark pink ang pader pero pink parin sa paningin ko. The black board complements the color of the wall plus their white ceiling is very attractive!  "So this is my daughter Scarlet Gail de Vera." sabi ni Dad doon sa lalake kong teacher na nginitian lang ako at nagwave ng kamay sakin.  Napatitig ako sa mukha niya lalo na't may kamukha siya. Iyong sa shrek. Not the green ugly guy but the horse. He looks like donkey! I shouldn't complain about it. But how about my eyes... masakit sa mata ang ganyang hitsura! I keep my own thoughts with me. Nagpaalam rin naman si Daddy pagkatapos makausap ang teacher. Umupo ako sa bakanteng upuan habang ginagala ang aking mga mata sa aking mga kaklase. The three girls looked like Cinderella's stepsister with their ugly face.  "Hi!" Nagwave sakin iyung isa and smiled at me. I keep my poker face at nag-iwas ng tingin. Napunta ang aking mga mata sa pinto hanggang sa may pumasok din doong anim, no they're all seven kasi maliit iyong isa. Napako ang aking mga mata sa kanila. Gumala iyon at isa isa silang tiningnan. Some of them were laughing pero may iba ring seryoso lamang ang pagmumukha. I suddenly remembered Snow's seven dwarfs! Kung naging close ko sila ay pwede ko silang gawing dwarfs ko and I am the Princess! Napatingin ako doon sa matangkad na blangko ang mukha ngunit sobrang suplado. His intimidating image suddenly scares me pero may parte sa akin ang namamangha sa kanyang kabuuan. Iyung labi niya parang bow ni cupid, wearing a white polo, rolled till his arm at nakabulsa pa ang mga kamay while nakasabit lamang ang isang braso ng bag sa kanyang balikat. Hindi ko na namalayang siya na pala ang tinititigan ko sa kanilang pito. They went to their seats pero heto ako, nakatingin parin doon sa lalakeng nagkakasalubong na ang kilay na ikinasuplado ng kanyang mukha. Tumayo ako at nagtungo sa kanyang gawi. Maingay parin iyong apat na kasama niya at tatlo lamang silang seryoso ang mga mukha. Tumigil ako sa kanyang gilid at kinalabit ang kanyang balikat. Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking likuran at nginitian ko agad ito nang lumingon siya sa akin. "Hi! Are you a Prince?" I asked him softly. Natigil iyong apat sa kakatawa at napunta ang mga mata sa akin. Kahit iyong isa sa kanila na medyo maitim at seryoso rin ang pagmumukha ay napatingin narin sa akin, maliban doon sa isang lalakeng medyo maputla ang kulay na busy sa kakahalungkat sa kanyang bag. Tumitig siya sa akin, magkasalubong ang kilay at makikita mo ang iritasyon sa mukha. "Napagkamalan kang Prince! Luhuran si Jiro!" sabi noong lalake na ikinahagalpak rin agad ng apat. Tiningnan ko sila saglit pero ibinalik ko rin sa lalake na tinawag nilang Jiro. So he's Jiro. "You look like a Prince, Jiro... Are you one?" I asked him again, hoping for an answer. Mas nagtawanan iyong apat. Iyong isa ay hinahampas na ang kanyang desk. The teacher left kaya walang magagalit. "Kamahan! Kamahalan!" Nagsiluhuran iyong apat at nagsimulang magbow habang paulit ulit ring inaangat baba ang kanilang mga kamay. Are they? Uh... What's the right term? Abnormal? Sinipa ni Jiro ang isa niyang paa kahit wala naman siyang tinatamaan. He's just kicking the air to shoo them away. "Kailangan atang ipaalbularyo ang bata at mukhang naengkanto sa'yo." Nailing iyong medyo maitim. Nagsibalikan naman iyong apat sa kanilang mga upuan pero nakuha pang mag-appear sa isa't isa. Gusto ko tuloy hiwain iyong bilbil ng matabang lalake na nangunguna sa kakahagalpak at nawawala pa ang mga mata! What's funny?! "Bumalik kana sa upuan mo," sabi ng nagngangalang Jiro sa akin na ikinakakurap ko at mabilis siyang tiningnan. "But..." Nilingon niya ako gamit ang malamig at iritadong mukha. Umatras ako at tumango na, sinunod ang kanyang gusto. He's mean...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
455.0K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.1K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.3K
bc

My Last (Tagalog)

read
487.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook