WIN-WIN "Aurora? Sya yung?" hindi na natapos ni Sid yung sasabihin nya dahil bigla na lang syang tinulak ni Andrea. Mabuti na lang at nahawakan sya ni Amy dahil kung hindi, baka natumba na sya dahil sa malakas na pagkakatulak ni Andrea. "IKAW! Kaya naman pala may napahamak na naman. Nandito ka na naman pala. Hindi na ako magtataka kung ikaw yung may kagagawan ng pagkakalunod ni Aurora!" sumbat pa nya sa hindi pa makapagsalitang si Sid dahil sa pagkabigla sa nangyari. Lalapit sana ako pero pinigilan ako ni Ysabelle. Inis na tiningnan ko naman sya. Wala na nga silang ginagawa para ipagtanggol si Sidney, may gana pa syang pigilan ako. At si Lia, bakit nung ako yung ginanyan ni Andrea, hindi nya hinayaang mangyari? Bakit ngayong si Sid, nakatingin lang sya? Anong klase silang kaibigan diba