WIN-WIN'S POV: "Wag na lang kaya nating ituloy?" ngumiti naman sa akin si Monica. Ewan ko ba, bigla akong kinabahan nung sinuggest yon ni Andrea. Feeling ko, may hindi magandang mangyayari. At may mga pagkakataon na nagkakatotoo yung mga hinala or kung ano man yung nararamdaman ko. "Yeah. Mas okay na lang 'tong laro na 'to." sang-ayon pa nito sa akin. Siguro, hindi rin sya komportable dito. Papa'no ba naman kasi, hello, sobrang dilim kaya dito tapos kakahuyan pa yung nasa likod nitong bahay. Malay ba namin kung may mga hindi magandang elemento na nandyan lang sa pali-paligid diba? "Oh c'mon, Win-win. Okay na eh. May napili na tayong team members, ngayon ka pa ba aatras?" reklamo naman ni Lia kaya napatingin ako sa kanya. Parang naguilty naman ako dahil kita ko sa mata nya kung gaano nya