WIN-WIN "What? After ng mga nangyari, may plano pa kayong mag-bonfire na naman? Mga adik ba kayo? O sadyang insensitive lang kayo at hindi nyo man lang nararamdaman na may kapahamakan na naghihintay sa atin habang patagal tayo ng patagal sa bahay na 'to?!" napatingin naman kami ng sabay ni Sid nang marinig namin yung boses ni Amy. Agad kaming lumapit sa kanya na nasa may pintuan ng kwarto namin. "Lia?" tanong ko nang makita kung sino yung sinisigawang 'yon ni Amy. "Ano na namang ginawa mo at uminit na naman yung ulo nito ni Amy?" tanong naman sa kanya ni Sidney. Nagkibit-balikat lang si Lia at naiiling na tumingin kay Amy. "Sinabi ko lang naman yung pinapasabi nila Jade eh. Magbobonfire daw mamaya. May kailangan daw pag-usapan." at tulad ni Amy, biglang nagsalubong yung kilay ko dahil