Chapter 38: Shocked "MALAPIT ka na bang matapos? Baka kasi ma-late tayo sa party," tanong ni Aether sa asawa niya. "I'm about to finish. Get in the car first, I'll follow you when I finish." Eurydice said. Tumango na lang si Aether saka nagpasiyang pumunta sa garahe para kunin ang sasakyan niyang naka-park na gagamitin nila. Gabi na ng mga sandaling iyon at iyon din ang araw ng Anniversary ng Castillo's Production Company (CPC). Kaya naman nagmamadali ang dalawa sa pag-alis dahil maaaring sila na lang ang hinihintay ng mga tao sa venue. Nang tuluyang nailabas ni Aether ang sasakyan niya ay agad siyang bumusina para marinig ng dalaga. Maya-maya pa ay lumabas na si Eurydice at saka sumakay sa sasakyan bago sila nagsimulang bumyahe. Mahigit isang linggo na rin ang nakaraan matapos may