Chapter 34: Believe NAGTATAKA na pinagmasdan ni Lizzy si Eurydice na pawis na pawis ng pagbuksan siya nito ng pinto sa dressing room. At nang ilipat ni Lizzy ang tingin niya ay nakita niya sa loob ang pinsan niyang si Aether na nagpupunas din ng pawis nito sa mukha. Marahan na lamang napangisi si Lizzy ng mapagtanto nito kung anong nangyari sa dalawa kanina noong hindi pa siya kumakatok sa dressing room ni Eurydice. "Nandito pala si Aether." maiksing sabi ni Lizzy kaya agad na nagpalitan ng tingin ang dalawa. "A-ah oo, kakatapos lang namin magkita ni Lawson kaya nagpasiya akong dalawin kayo sa set." sagot naman ni Aether. Tumango na lang si Lizzy saka nilapitan ang pinsan niya. "Aether, pwede ka na umalis. Sigurado naman akong tapos ka na kausapin si Eurydice 'di ba? May kailangan pa