Chapter 26: Celebration DAHIL nakita rin ni Aether sa social media ang pagiging trending ng asawa niya sa pagiging front cover nito sa isang men's magazine ay natuwa siya. Alam kasi ni Aether na sobrang saya rin siguro ng babae kung nalaman na nito ang pagiging popular niya sa mga madla. At dahil sa magandang balita na iyon ay nagmensahe si Aether sa kanyang ama na nagtagumpay si Eurydice na makilala ng mga tao. Kaya naman maagang tinapos ni Aether ang papeles na kailangan niyang pirmahan para sa mga new projects ng mga sponsored artists nila. Pagkatapos nun ay mabilis na tiningnan ni Aether ang wristwatch niya bago nagpasiyang tumayo sa swivel chair niya. "I'm going home early today because we have something to celebrate, so I'll finish the other papers that I haven't finished yet tom