CHAPTER 2: Best friend

1195 Words
Hanna Bigla na lamang lumakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatitig ako sa mukha ng lalaking manyakis na dumakot kanina ng dibdib ko at sinabing wala daw akong dibdib! Ngunit gano'n din ang pagkakatitig niya sa akin at hindi ko maiwasang madala sa kulay luntian niyang mga mata. Iba ang hatid niyon sa akin ngunit pinili ko na lamang ang yumuko. May bigla kasi akong naalala sa kanya. Isang taong halos kapareho niya at may kakaibang kulay na mga mata. Pero napakaliit naman talaga ng mundong ito. Akalain mong sila pa pala ang magiging bisita namin at kaibigan ni tita Grace. Siguradong napakayaman nila dahil ayon kay tita Grace ay sila ang may pinakamalaking donasyon na naglalaan palagi para sa Shelter na ito. "Gusto kong ipakilala naman sa inyo ang mga maaasahan kong mga anak dito. Sila kasi ang mga nakatatanda sa lahat na mga batang naririto at siyang mga nangunguna sa kalinisan at kaayusan ng buong Shelter." "Oh, that's good to hear. We're glad to meet these kind children. I'm Geolina Fairford. Just call me tita Geolina at sila naman ang mga anak ko at ang asawa ko," magiliw na pagpapakilala sa amin ng may edad na Ginang na halatang Pilipina at mukhang mabait naman. Isa-isa na niyang kinamayan ang mga kasama ko at sumunod na rin ang mga anak niya at ang asawa niya. "Hello, po sa inyo. Ako naman po si Gerlyn." "Ako po si Eden. Ikinagagalak din po namin kayong makilala." "Ako naman po si Eloisa. Magandang tanghali po ulit." "Ako po si Sol. Welcome po dito sa Shelter." Isa-isang pakilala ng mga kasama ko. Habang papalapit naman sila sa kinaroroonan ko ay papalakas naman nang papalakas ang kabog ng dibdib ko. Sobra akong nahihiya na humarap sa kanila sa hitsura kong ito lalo't ang karamihan ay natatakot at pinandidirihan ako. "Hello, Iha. Why are you hiding? That's okay. What's your name?" At nasa harapan ko na nga ang napakabait na Ginang. "Ahm, R-Rose po." Mas lalo akong nagpakayuko-yuko dahil sa sobrang hiya. "It's a very nice name. Siguradong kasing ganda rin ng kalooban mo. Cheer up, honey. Don't be ashamed of us 'cause we're not bad people. My children and my husband are so kind." Saglit kong nilingon ang mga anak niya na ngayon ay nakangiti na rin sa akin ngunit nagtagpong muli ang paningin namin ng lalaking anak niya na kanina lang ay sinabing hindi naman daw ako maganda! Bahagya siyang nakangiti sa akin ngayon ngunit kakaiba ang mga titig na ipinapakita niya sa akin. "Hellow, Rose. I'm Rowan Fairford, father of these hilarious children. Nice to meet you, Iha," nakangiting pagpapakilala din sa akin ng haligi ng pamilya nila. Nahihiya din akong tanggapin ang kamay niya dahil kahit ang mga kamay ko ay marami ring pilat ngunit siya na ang kusang kumuha niyon. "H-Hellow din po," nahihiya kong sagot sa kanya. "Hi! I'm Georgia!" "And I'm Ryleigh!" Magiliw na humarap din sa akin ang mga anak nilang babae at nagulat ako nang kabigin nila ako at niyakap ng mahigpit. "A-Aah, h-hi..." Hindi ako makapaniwala sa ginawa nila. Hindi sila katulad ng karamihang hantaran akong pandirihan. "Akala mo siguro hindi kami marunong mag-tagalog, no?" "Magagaling kami, no!" Pagbibida nila na ikinangiti ko. Masayahin sila at totoo ang mga ngiti nilang ipinapakita sa amin. "Kahit sa England kami nakatira ay sinanay ko pa rin ang mga 'yan sa wikang Tagalog. Ito lang si husband ang medyo nahihirapan," nakangiti namang sabi ng kanilang ina sa amin. "Ang gagaling nga nila eh. Nakakatuwa," magiliw namang sagot ni tita Grace sa kanila. Nakakatuwa namang malaman iyon. Mukhang makakasundo din namin sila kahit na talagang angat ang mga kagandahan nila sa amin. Perpekto ang mga hitsura nila kumbaga. Matatangkad, mapuputi, makikinis. Napakatatangos ng mga ilong nila at may mga kulay ang mga mata nila na halatang nakuha nila sa ama nilang isang British. "Hi." Ngunit napahinto ako nang ang kapatid na nilang lalaki ang magtungo sa harapan ko at iniaalok ang kanyang kamay sa akin. "I'm Gabriel Fairford. I hope you still remember me." Napalunok ako sa taimtim niyang pagtitig sa akin at sumisilip ang pilyong ngiti sa mga labi niya. Natulala naman ako at hindi kaagad nakasagot. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko at siguradong para na akong kamatis ngayon sa sobrang pula, lalo't nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatunghay na silang lahat sa amin. "Why, son? Have you met before?" tanong ng kanilang Ina kaya't mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Naalala ko kasi ang naging ingkwentro namin kanina. Pinagbabato ko siya ng kamatis at tinamaan ko siya sa mukha niya. Nagulat naman kasi ako sa ginawa niya sa akin. Sinalo nga niya ako pero hinawakan niya naman ang mga suso ko! "No, Mom. Rod and I met earlier in town and I met this girl earlier in front of the market. I never thought we would meet again here at the Shelter." "Is that so? Wait, how's your best friend? Mabuti at nagkita kaagad kayo." "Yes, Mom. Actually, he's on his way here by now." "Mabuti naman. I miss that boy too. Balita ko ay napakalungkot ng buhay niya ngayon simula noong mawala ang asawa niya. Nahanap na ba niya ang babaeng 'yon ngayon." "Sa tingin ko ay hindi pa." "Maupo na kayo para makakain na kayo. Siguradong gutom na gutom na kayo." Kaagad na silang inalalayan ni tita Grace patungo sa hapag-kainan ngunit ang anak nilang lalaki ay muling bumaling sa akin. "Hey. I still want to meet you. What's your name again?" "A-Ahm, R-Rose po," sagot ko na lang bago yumuko sa harapan niya ngunit nagulat ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko at bahagyang pinisil. "Nice to meet you and sorry for what happened earlier in the market. I didn't really mean it." Napatunghay naman akong muli at napatitig sa totoo na niyang ngiti ngayon at mukhang seryoso na siya sa paghingi niya ng tawad sa akin. "W-Wala po iyon. P-Pasensya na din po sa nagawa ko." "It's alright. I understand." "S-Salamat po." "And by the way, don't pay attention to what other people say to you. You have a unique beauty, that they don't have." Iniwanan niya ako ng isang kindat bago siya tuluyang tumalikod at humarap na rin sa hapag-kainan. Lihim naman akong napangiti at napakagat-labi sa tinuran niyang iyon. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanya. "Tita Grace, mawalang-galang na po. May bisita po tayong dumating." Isa sa mga kasamahan namin ang biglang pumasok dito sa loob ng dining room. "Sino? Papasukin mo?" Kaagad namang nagtungo si tita Grace sa pinto at hindi rin nagtagal ay pumasok na nga ang kanilang panauhin na sa tanan ng buhay ko ay hindi ko inaasahang mangyayari. "Tita, Tito." "Rodrigue! Long time no see, anak!" Mabilis na tumayo si tita Grace at sinalubong ang panauhin nilang hinding-hindi ko makakalimutan kailanman. Bigla akong nanigas mula sa kinatatayuan ko at para akong binuhusan ng isang balde ng suka. "Hey, Pards." Kaagad ding tumayo ang anak nilang lalaki na si Gabriel at nakipag-fist bump sa kanya. H-Hindi. Hindi maaari ito. S-Siya ba ang bestfriend na tinutukoy ni Gabriel? A-Ang asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD