TWO WEEKS PASSED "A'right? Are you ready?" "Yeah," kaagad kong sagot sa kanya kasabay nang paghugot ko ng maraming hangin sa dibdib ko at malakas ko rin itong pinakawalan. Kasalukuyan ako ngayong nakatayo sa tabi niya habang sa harapan namin ay may isang mahabang mesa na naglalaman ng iba't ibang klase ng baril at mga bala. "This is called a Colt 1911. It’s a bit of vigor but it’s easy to use and comfortable to hold so you won't have a hard time holding or using it...It's also one of the most commonly used in the shooting range." Tumango ako sa sinabi niya habang ipinakikilala niya sa akin ang isang baril na dinampot niya. Naririto kami sa isang malawak na field kung saan tuturuan niya ako sa paggamit ng baril. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko a