Matapos ang ilang sandaling pagbubuno ng aming mga katawan sa ibabaw ng kama ni Gab ay muli kaming nag-umpisa ng aming trabaho. "Sa tingin mo ba, magsasalita siya?" tanong niya habang nakatutok ang paningin namin sa laptop niya kung saan nakabukas ang monitor ng lahat ng CCTV sa buong hotel at ngayon ay sinusubaybayan namin ang galaw ni Eden. Kasalukuyan kaming nakadapa sa ibabaw ng kama ngunit siya ay nakayakap mula sa likuran ko at hinahalik-halikan pa rin ang balikat ko at batok ko. Pareho pa rin kaming walang anumang saplot sa katawan. "Noong makasabay ko sila kanina sa elevator, siya 'yong parang kakaiba kila Eloisa at Mila. Parang hindi siya masaya. Hindi kaya labag sa kalooban niya ang ginagawa nilang ito ngayon? Kung maaaring gano'n, p'wede natin siyang makuha," sagot ko naman s