"What do those tears mean?" Tila nabalik akong bigla sa karimlan sa sinabi niyang 'yon. Kaagad kong kinapa ang pisngi ko at doon ko lang nadama ang basang-basa ko na palang pisngi. "Are you crying 'cause you're still hurting? ... Is it because you still love him until now?" Muli akong napatitig sa kanya. Naroroon pa rin sa mga mata niya ang sakit at hinanakit habang nakatitig sa akin, na hindi ko alam kung ano ang ibig ipahiwatig. Marahan akong umiling habang nakatitig din sa kanya. "Nasasaktan ako dahil sa pagkawasak ng buhay ko at sa pagkawala ng mga magulang ko ... dahil sa mga katangahan ko at sa padalos-dalos kong desisyon. Nang dahil sa akin kaya sila nawala. Kaya walang ibang dapat na sisihin dito kundi ako lang." Hindi ko na napigilan pa ang mapahikbi kasabay nang sunod-sunod