Hindi niya inasahan ang muli nilang pagkikita ni Caitlyn. Ilang taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa kanyang memorya kung paano muntikan na silang masira ni Pasha nang dahil lang sa babae. Una itong nakilala ni Pasha, at una nitong naging kaibigan ang babae. Higit sa lahat, naunahan siya ni Pasha sa pakikipagrelasyon kay Caitlyn. Sadyang mabilis lang talaga si Pasha pagdating sa mga babae. Sa katunayan, ilang beses na itong nagpalit ng nobya pero siya ay single pa rin. Nakakahiya mang aminin ngunit si Caitlyn ang huli niyang naging girlfriend. Kahit ilang taon na ang nakalipas hindi niya pa rin makalimutan ang araw na nakilala niya ang dalaga. At noong araw na ‘yon ay na-lab at first sight siya kay Caitlyn. Sino ba naman kasi ang hindi gayun ang neat nitong tingnan sa suot na uni