Parang binuhusan ng malamig na tubig si Chad nang makumpirma ang kanyang hinala na magkapatid sina Pasha at Jether Macaraeg. Noon pa man ay nagduda lang siya pero hanggang doon lang ‘yon. “s**t!” Napamura si Chad nang maalala niya ang isang tagpo sa nakaraan kung saan ay pinag-usapan nila ni Jether ang tungkol sa kapatid nitong babae na nobya ni Caitlyn. Pero tomboy ang kapatid na ‘yon ni Jether, o baka naman may iba pa silang kapatid na hindi niya kilala talaga? “Titig na titig ah,” pansin ni Irene kay Chad. Kanina pa siya nakamasid sa lalaki at ang mga mata nito ay lagi lang nakatuon kay Pasha Macaraeg. “Ano sa tingin mo Irene? Tomboy ba si Pasha o tunay na babae?” Tinanong ni Chad si Irene ng pabulong upang hindi sila marinig ng ibang