CHAPTER 3

1036 Words
Maagang dumating sa opisina si Chad dahil kailagan niyang maabutan ang lahat ng mga bookeepers na mayroon siya upang ibahagi sa mga ito ang update mula sa BIR. Dahil sa nature ng kanilang trabaho, bihira na lang niyang makausap ang kanyang mga tauhan.             Pagdating kasi sa attendance ay flexible siya. Wala siyang pakialam kung anong oras papasok ang isang bookkeeper basta kaya nitong tapusin ang mga naka-assign sa kanya. Lahat ng bookeepers kasi ay may kanya-kanyang clients na hina-handle. Tsini-check lang niya ang mga folders weekly kung updated ba lahat, mula sa schedule of accounts, pati na ang mga ledgers.             Batid ni Chad na pwedeng gumawa ng milagro ang isang kumpanya upang mabawasan ang buhis na kailangang bayaran ngunit kailangan na malinis ang books of accounts. ‘Yong walang mintis, kumbaga. O kung meron, dapat ay konti lang at hindi siya mahihirapang aregluhin ito sa future.             Busy siya sa pag-review ng mga quarterly reports mula sa kanyang mga bookeepers nang dumating si Audrey. Halos magkasabay lang na dumating ang kanyang nobya at si Pasha. “Hey, hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka ngayon.” Sabi niya sa babae nang pumasok ito sa kanyang opisina.             Nagmaktol na naupo si Audrey sa bakanteng upuan na nasa harapan ni Chad dahil pakiramdam niya ay napilitan lang itong ngumiti sa kanya kanina. Simula noon pa man, parang kakaiba na talaga ang turing ni Chad sa kanya. Pakiramdam niya, hindi siya nito totoong mahal. Sabagay, ganun din naman siya. Kaya hindi siya dapat magalit sa lalaki.              “Hindi ka yata masaya na pumunta ako rito,” sabi ni Audrey.             “Hindi naman sa ganun love, busy lang talaga ako. Wala ka bang pasok today?” Tinanong ni Chad si Audrey.             “Half-day lang, masakit kasi ang tiyan ko kanina.” Sab ni Audrey.             “Masakit pala ang tiyan mo, eh. Nagpahinga ka na lang sana sa apartment mo,” sumagot naman si Chad ngunit ang kanyang mga mata ay nakatuon sa mga reports na pinag-aralan.             “Eh, gusto na kasi kitang makita. I miss you,” sabi ni Audrey, ngunit bigla na lamang pumasok si Pasha at napahiya siya sa kanyang sinabi nang tumikhim ang babae.             “Lumabas ka muna, Pasha. Mag-uusap lang kami ni Audrey,” utos ni Chad nang mapansin niyang biglang naging hindi komportable si Audrey sa presensya ni Pasha.             Napatiimbagang si Pasha habang nakatingin kay Audrey na kampanteng naupo sa harapan ni Chad. Sa apartment pa lang ay nag-away na silang dalawa ni Audrey dahil hindi niya nagustuhan ang suot nitong palda. Sobra kasing maikli at halos kita na ang kaluluwa ng babae. “Walang problema, sir.” Sumagot si Pasha ngunit bago pa man siya lumabas, tinapunan na muna niya ng tingin si Audrey.             Nang makalabas siya mula sa opisina ni Chad, wala siya sa mood, at saka nagpaalam sa isang kasamahan na aalis na muna at may pupuntahan lang siyang client. Paglabas niya ng building, kaagad niyang tinawagan ang telepono ng kanyang kapatid. Kababalik lang nito mula Europe at hindi pa sila nakapag-bonding dahil abala siya sa kanyang trabaho at kay Audrey na rin.             “Kuya, nasaan ka?” Tinanong niya ito nang sinagot ang kanyang tawag.             “Itatanong pa ba yan, Pash? Syempre, nasa bahay lang ako.” Sumagot ito.             “Magkita muna tayo, na-miss na kasi kita ng sobra.” Sabi niya sa kanyang nag-iisang kapatid.             “Bruha, kung namiss mo ako, umuwi ka dito sa bahay. Na-miss ka rin nila Mama,” sabi ng lalaki.             “Sige na nga, pupunta ako diyan mamayang gabi. Sabihin mo naman kay Mama na magluto ng masarap,” pakiusap niya sa kanyang kapatid.             “Sige po, basta uuwi ka rito mamaya pagkatapos ng work mo.”             “Oo na nga,” sabi ni Pasha.             Dahil wala siyang schedule for client visit, tumingala siya sa langit na para bang nasa ulap ang kasagutan sa mga tanong niya. Ayaw pa sana niyang bumalik sa opisina dahil ayaw pa niyang mamatay sa hypertension. Si Audrey kasi, eh! Ayaw makinig sa kanya!             Kasalanan ni Chad lahat!             Kung hindi dahil sa lalaki, hindi niya maisipang mag-apply sa accounting firm nito. Kung di dahil kay Chad, hindi sila mag-aaway ni Audrey. Basta, para kay Pasha, si Chad Hidalgo ang bwisit sa kanyang buhay. Panira kasi ang lalaki sa kanyang lablyf!             At si Audrey naman, hindi niya dapat tinanggap ang proposal ni Chad gayung buhay pa siya! Oo, alam naman niya na walang future ni Audrey, ngunit kailangan pa talaga nitong pakasalan si Chad? Hindi ba pwedeng ipagpaliban muna?             Nakasimangot na bumalik sa itaas si Pasha at sa kasamaang palad, nakasalubong niya ang magkasintahang mga traydor sa may hagdanan. Mas lalo tuloy nasira ang kanyang araw. “Lunch out?” tinanong niya si Chad ngunit ang kanyang mga mata ay nakatuon sa kasama nitong babae na hindi makatingin sa kanya.             “Yes,” sumagot si Chad.             Nagngitngit ang kanyang kalooban habang iniisip kung ano pa ang gagawin ng dalawa pagkatapos ng lunch. “Enjoy sir,” biniro niya ang lalaki ngunit ang totoo ay pinaparinggan niy si Audrey upang malaman nito na hindi niya gustong makipag-chukchakan ito sa ibang lalaki.             Humalakhak si Chad sa tinuran ni Pasha dahil hindi naman mangyayari ang mga bagay na inisip nito. “Ang dumi talaga ng utak mo, Pasha. Lunch lang kami,” sabi ni Chad, at saka inakbayang muli ang kanyang nobya.             Nang bumaba ang dalawa, tiningnan ng masama ni Pasha ang dalawang tao na halos langgamin na sa kanilang lambingan. Kung may powers lang sana siya, baka itinulak na niya si Chad! “Masagasaan sana siya ng train,” bumulong siya sa hangin ngunit natawa na lang siya sa kanyang sarili dahil wala namang train sa Cebu.             “Mabuti naman at nandito ka na Pasha, ikaw na lang talaga ang hinintay ko upang makaalis na tayo.” Sabi ni Irene.             Kumunot ang noo ni Pasha dahil sa sinabi ni Irene. “Ha? Bakit? Anong meron? Saan tayo pupunta?” Sunod-sunod ang kanyang mga katanungan kay Irene dahil naguguluhan siya. Lutang pa rin kasi ang kanyang utak dahil sa eksena kanina. Si Audrey lang kasi ang naging laman ng kanyang isipan simula kaninang umaga eh.             “Lunch daw, inimbita tayo ni Chad.” Sabi ni Irene.             Ay talaga? Inimbita sila ni Chad na mag-lunch kasama sina Audrey? Ang sweet naman, ngunit bigla siyang nangamba. Paano kung maghalikan ang dalawa sa kanyang harapan mamaya? Ano kaya ang magiging reaksyon niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD