Kahit na may imbitasyon sila sa birthday ni Pasha for dinner, nagpabili pa rin si Chad ng pagkain para sa lunch. Konti lang naman sila sa opisina eh kaya ilang kilo lang ng lechon ang kanyang ipinabili sa CNT. Nagpabili na rin siya ng inihaw na isda at pusit sa isang restaurant malapit sa SM. Si Chad na mismo ang nagtungo sa Snowsheen upang bumili ng pancit. Nagpa-deliver rin si Irene ng cake at pati na rin chickenjoy upang mas maraming pagkain ang pagpipilian. Bago sumapit ang alas-dose, nagulat si Pasha nang magsidatingan ang mga pagkain, at kaagad itong hinanda ni Irene sa loob ng kanilang conference room s***h dining area. Nang tumingin siya sa gawi ni Chad, medyo na-awkward siya. Ngunit meron pa pala. May dumating na bulaklak mula sa kanya at alam ni Pasha na hindi galin