Lutang ang kanyang utak nang magising siya. Wala siyang ganang pumasok sa trabaho. Hindi alam ni Chad kung bakit niya hinayaan na may mangyari sa kanila ni Pasha kagabi. Por dios po santo, kapatid ito ni Jether Macaraeg, ang lalake na una niyang minahal, at unang naging sa kanya. Habang nakahiga pa rin sa kanyang kama at nakatingala sa kisame na sky blue ang pintura, hindi niya napigilan ang kanyang sarili na sariwain ang nangyari sa kanila ni Jether noon. ***** Malamig ang hangin sa tabing-dagat, ngunit nakaramdam siya ng pag-iinit ng katawan dulot ng ininom na alak, at ang pagkakalapit niya sa kanyang crush na si Jether. Alam ni Chad na maputi ang buhangin sa Basdaku ngunit wala siyang pakialam doon. Ang tanging nasa isip niya ay ang lalaking katabi.