Edna "Hija, nakalayo na tayo sa palengke. Naisip mo na ba kung saan ka pupunta?" Tanong ng driver na gumising sa aking diwa. Magmula nang umalis kami ng palengke ay tahimik lang ako at maging ang driver ay hindi rin umimik at tila ba nakikiramdam. Kanina kasi habang nasa palengke kami ay napagtanto ko kung gaano kahirap ang buhay. At aminado ako na hindi ko alam kung paano haharapin ang bukas lalo pa ngayon na may bata na paparating sa buhay ko. "Kung wala ka talagang alam na puntahan, bakit hindi ka na lang sumama sa akin sa bahay? Ipapakilala---" "A-ano po?" hindi pa man tapos magsalita ang driver ay hindi na ako nakatiis. Para bang iba kasi ang ibig sabihin nito. "Pakinggan mo na ako, hija. Ganito iyon. Hangga't wala ka pang mapupuntahan, sa bahay ka muna tumira. Ipapakilala kit