Sinigurado ni Colt na ligtas ang kaniyang anak, nilagyan niya ito ang bullet proof vest at nilagyan ng headset para hindi na marinig ang mga putokan kung sakali. “Huwag mo aalisin yan anak, watch the movies okay?” “Okay Papa ko.” agad na sumadal si CA sa gilid ng maliit higaan doon. Habang si Colt ay nakatingin sa monitor na naroon. Kita niya sa labas ang mga nangyari dahil sa water proof na secret camera na nakakabit sa paligid ng yacht. Dinampot ang nakitang headset sa gilid at sinuot iyon. Saka niya malinaw na narinig ang nagsasalita. “Colt, kung naririnig mo kami ay kailangan mong hawakan ang nasa gilid mo sa right side. They coming Colt alam kung kaya mo yang i-handle. May instructions kang makikita at hintayin mo ang signal ko saka mo pindutin ang red sa gilid mo.” Agad na hinar