“Dad Mom, anong okasyon ba at sinong bisita bakit mga nakasuot tayo ng ganito ka formal?” nilingon niya ang mga kapatid at mga naka-formal attire din ang mga ito. “Halika na anak, mamaya malalaman mo rin. Surprise ito kaya hindi maaaring sabihin.” ngunit nanlaki ang kaniyang mga mata at napahinto sa pagpaghakbang ng makitang nasa dulong bahagi ang isang babae na nakasuot ng puting damit habang may bulaklak sa ulo. At ng lumingon siya sa kinatatayuan ng priest ay naroon ang anak na si CA. nakasuot din ito ang kapareho ng damit niya. Saka pa lang unti-unting luminaw ang lahat sa kaniya. “D-dad, bakit may ganito?” parang tinatambol ang kaniyang dibdib sa lakas ng kaba. “Bakit ayaw mo?” agad na sagot ni JB sa anak. Subalit hinila siya ng Step Mother niya at dinala palapit sa babaeng nakata