“Lindsay, nasa taas ang anak mo at si Uncle pati na si Colt.” “Luke, i mean, ahm... maaari ba akong umakyat gusto ko lang makita ang anak ko.” “Kaya nga kami narito para sunduin ka, at huwag kang mag alala walang huhuli sayo dito.” “S-salamat,” agad na bumaba siya at sumama sa dalawa. Halos mauna pa siya sa elevator sa pagmamadali na makarating lang agad sa taas. “Relax, huwag kang masyadong magmadali mamaya madapa ka pa ay ano pang isipin ni Colt.” Hindi na lang siya sumagot para hindi na humaba pa ang usapan. Isa pa ay ayaw niya munang marinig ang tungkol sa binata. “Miss na miss ka ni Champy, gusto nga sumama sa baba pinigilan lang ni Josh.” Hindi na sumagot si Lindsay ng bumukas ang elevator ay agad na lumabas siya at nagpaingalinga. “Dito Lindsay, naroon sila sa opisina at la