“Baby saan ba ang punta natin?” “Sa Mafia Group Babe, ngayon ang araw na pinangako ko sa yo.” “Salamat baby,” niyakap niya ang asawa, sa wakas makakapamuhay na sila ng matiwasay. “Anak, lahat ng papeles na ibibigay ko sayo ay dapat mong pirmahan dahil pangalan mo ang naroroon at acting Chairwoman lang ako.” “Sige po Mom.” ngayon pa lang ay masayang masaya na siya sa naging desisyon ng ina. Ngayon niya napatunayan kung gaano sila nito kamahal lalo na ang kaniyang ama. Dahil malaking sakripisyo ang nagawa nito para tuluyang i-give up ang clan. Pagdating nila sa Mafia Group ay agad na pinatawag ni Lindsay ang mga tauhan. Hindi lang ang mga may posisyon kundi lahat, kasama ang mga maliit na empleyado. At ipinag taka ng lahat dahil ngayon lang nangyari na pati mga janitor ay kasama sa conf