“Kuya Josh narito ang kumpletong ebidensya at sana sa pagkakataong ito ay walang kawala ang general na yon.” “Huwag kang mag alala Lindsay, sisiguruhin kong hindi makapag pyansa ang matandang yon. Kaya pumanatag ka at ako na ang bahala dito.” Bago lumipad si Josh ay siniguro na may warrant na ang heneral. At kinagabihan din ay lumipad siya pabalik ng Pilipinas kasama ang ibang mga tauhan. At pagka lapag nila sa pambansang paliparan ng Pilipinas ay naroon na ang kapatid at mga tauhan nito. Dala ang kopya ng warrant of arrest para kay Heneral Delman. “Kuya huwag ka ng lumabas muna ang airport dahil ayon sa info ay on the way si Heneral palabas ng bansa. Pina hold ko na sa lahat ng airport na maaari niyang daanan pati na sa mga coast guard.” bago binaba ni Delta ang tawag. Lahat ng mga