Nagising siya na wala sa tabi ang kaniyang asawa kaya bumangon at hinanap ito ngunit talagang wala. Pinuntahan rin ang kwarto ng mga anak ngunit masarap ang tulog ng dalawang bata. Babalik na sana siya sa kwarto ng maulinigan ang boses na nagmumula sa labas. Kaya’t nagmamadaling lumabas ng kabahayan at mapahinto sa narinig. Kahit nakakaramdam na siya ng galit ay sinikap na makontrol ang sarili. “Baka malaman ng asawa ko ang bagay na ito at ayaw kung pag aawayan namin iyan. Bakit lumabas ang scandal na yon hindi talaga kayo nag iingat! Hintayin nyo ako at pupunta na ako dyan, hold on pakisabi sa kaniya.” Nang kumilos ang asawa ay hinayaan niya ito sa mga susunod na move ngunit mabilis na sumakay sa sasakyan at umalis. Nagmamadaling tumakbo siya pabalik ng kwarto nila at may kinuha. Saka p