Isang buwan na ang lumipas at magaling na ang mga sugat niya. Ngayon ay kailangan na niyang kumilos, ngunit gusto muna niyang makita ang anak. Kahit masilip man lang niya bago niya gawin ang huling hakbang. Tumayo siya at sumilip sa bintana, napaka tahimik ang paligid. Hindi siya mapalagay pag ganito, para sa kaniya ay hindi magandang senyales iyon. Nang masiguro na walang ibang tao na makakapansins a kaniya ay mabilis na tumalon. At tumalilis sa dilim, dahil kung magtatagal pa siya sa lugar ay malamang na madamay ang mga taong tumulong sa kaniya. At kagaya ng usapan nila ni Reegan ay nakahanda na ang speedboat nagagamitin niya.” “Salamat Reegan, go back at pakisabi kay Doktora na pasensya na ayaw ko lang na may madamay pang iba.” “Lindsay, sana pagkatapos ng mission na sinasabi mo ay ma