Laarni: Maaga akong nagmulat ng aking mga mata at nakita ko pang nahihimbing si Sebastian sa pag tulog. Napabangon na ako at biglang nakaramdam ng pagbigat ng kaunti ng aking tiyan. Napatingin ako sa salamin at kita kong lumobo pa ito kaunti na tila na apat na buwan na. Napangiti naman ako at napahawak sa aking tiyan. Gumalaw ang nasa loob nito na tila pinakikiramdaman ang aking mga kamay. Naghilamos na ako at nagsipilyo. Pagsara ko ng cabinet ay kamuntikan na akong mapasigaw ng may makita akong repleksyon ng babae sa likuran ko. Pulang pula ang mga mata nito. Maganda ito at putlang putla ang balat. "S-sino ka?" Tanong ko ng mahimasmasan ako. Napalingon ako sakanya ngunit nawala ito. Impossible namang minumulto ako dahil ramdam kong totoo ito. Napahawak ako sa aking tiyan at gumalaw