Dastian grabbed my wrist. Mabilis kaming tumakbo sa madilim na daanan at punong-puno ito ng usok. Nakakita ako ng itim na usok na lumilipad sa ere at hindi ko alam kung saan ito papunta. Kaagad niya akong isinakay sa kanyang kabayo at mabilis itong pinatakbo. Nakapikit ako ng magsimulang umulan ng malakas na yelo. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng masaksihang unti-unting nagbabago ang direksyon ng daan. "I don't know." Sabi nito na may pagaalala sa kanyang mga mata ngunit seryoso padin. Napahawak naman ako saking sarili, buhay paba si Samantha? Nakarinig ako ng pag tawa sa kalangitan at alam kong sakanya ito galing. "Heyaaa!" Pagmamadali ni Dastian. Alam niyang tila sinusundan kami ng mangkukulam. Umitim ang buong kalangitan at mas lumakas pa ang pag ulan ng nyebe. Nasa pusod na kami