Habang binabagtas ni Heneral Arthur ang kahabaan ng madulas na daan patungo ng Colasopia ay may namataan itong sumusunod sakanila. Ang sahig na madulas sanhi ng madugong nyebe ay nagkulay pula na. Ang eclipse ay hindi parin nawawala kaya hindi kita ang kaliwanagan ng buwan. "Heyaaa!" Binilisan pa nito ang pagpapatakbo sa mandirigmang kabayo upang makapasok na sa kaharian ng Colasopia. Bilang isang Heneral ay tungkulin nitong tipunin ang lahat ng kanyang magagaling na mandirigma upang bumalik sa kinaroroonan ng mga royals na natrapped sa kasagsagan ng pagulan ng dugong nyebe. Samantala, wala paring kamalay malay ang dalagang iniligtas ng mahal na prinsipe Dastian. Walang duda na isang taga-lupa ito dahil sa kanyang ibang amoy. Amoy mismo ng tao. Nakasandal lamang ito sa pang upuan at wa