"Isang lapastangan!" Sigaw ng isang Elder na si Makarus. Ibinalita na kasi sakanya ni Haring Virgel ang pagkagat mismo ni Sebastian sa leeg mismo ng taga-lupa. Mahigpit itong ipinag-babawal. Ang pagkagat sa leeg o pag marka ng mga bampirang lalaki para sa kanilang sinisinta ay nararapat lamang sa mga kauri. Sa oras na mamarkahan ka ay magiging kasapi kana din nila kung isa kang tao. Pero iba, iba ang dulot na yon sa dalagang si Laarni dahil isang hybrid ang nagmarka sakanya. Napasapo sa noo si Makarus. Nasa gitna siya ng dalawa pang Elders. Si Kintana at si Henrus ang pinakatahimik sa tatlong Elders. "Kailangan natin maaksyunan agad to. Hindi maaaring mabuhay ang taga lupa malaking kahihiyan ito sa buong lahi." Sabi ni Makarus. "Ngunit isa na siyang salin-lahi ngayon. Dugo na ng im