Nasa hallway ako ng mismong kaharian. Magkasama kasi sila Celeste at Ishmael ngayon na nag eensayo sa oval. Naisipan ko namang bisitahin si Sebastian na alam kong pagod dahil sa kanyang pakikipag tunggali sa kanyang kakambal. Walang katao tao ngayon sa hallway kaya tanging yabag lamang ng aking mga paa ang maririnig. Nakaramdam ako ng mainit na hininga mismo saking batok at nagsitaasan bigla ang mga balahibo ko. Hindi ko natiis na lingunin ang mapag larong nilalang na yon. Bumungad sakin si Dastian. Kakagaling lang nito sa pagligo at walang kasuotan itong pantaas. Napatakip ako bigla ng aking mga mata ngunit nahagilap na nito ang kanyang mga kayamanang taglay. Ang maputing balat na may nag uumbukang mga abs sa tiyan. Nakatawag pansin din ang manipis na balbon nito sa kanyang bandang puso