Kay bilis ng mga araw, seven days preparation para sa kasal nina Yllana at Storm. Heto at kapwa na sila nasa harapan ng isang bigating judge na kaibigan ng both families. Present ang both parties including their siblings, godparents at mga piling kaibigan. Ganoon ka-private ang kasal na gaganapin kina Yllana at Storm sa araw na iyon. At mabilisan lang din ang sermon ni Judge Amari nagpalitan ng vows at singsing. Pagkatapos ay inanunsyo na sila bilang mag-asawa na and the least thing that they can do, you may kiss the bride. And in an instant, mag-asawa na sina Yllana at Storm hindi man masyadong na-feel ni Yllana ang moment kuntento naman siya kahit papaano.
"Congratulations!" Masayang hiyaw ng lahat sabay palakpak.
"Congratulations to both of you and good luck!" Bati naman ni Judge Amari kina Yllana.
"Thank you Judge!" Sabay na sagot ng dalawa.
"Sana ay hindi niyo biguin ang hiling ng inyong mga magulang ang magkaroon agad ng Apo." Makahulugang turan ni Judge Amari.
Napatikhim naman si Storm habang sinuklian ni Yllana nang matamis na ngiti ang Judge.
"Matutupad iyan, Judge." Sabi ni Yllana saka nito tiningnan si Storm mula ulo hanggang paa.
"Depende sa performance ng aking asawa," dagdag pa ni Yllana.
Kay lakas nang halakhak ni Judge Amari sa sinabi ni Yllana. Habang si Storm ay namula ang mukha nito. Hindi siya aware na ganoon kaprangka ang kanyang asawa. At hindi din inaasahan ni Storm na ang kumpiyansa ni Yllana sa sarili nito ay nahigitan pa yata nito ang 100 percent.
"Bravo, Yllana I like your answer!" Tuwang-tuwa si Judge Amari pati na ang kanilang mga magulang.
Ngumiti lang din si Yllana saka nito kinindatan si Storm na tahimik lang. Nilapitan naman ni Yllana si Storm saka ito humawak sa bisig ng kanyang asawa.
"Don't be afraid, same lang tayong first time iyon kung hindi ka pa nakakatikim ng luto ng Diyos." Anaa ni Yllana kay Storm.
Napangisi naman si Storm. "Iyon kung kakayanin mo ang kargada ko."
Mas lalong ngumiti nang matamis si Yllana sabay haplos sa mukha ni Storm.
"Huwag puro salita makikita natin sa gawa asawa ko." Aniya.
Napalunok nang sunod-sunod si Storm sinusubukan yata siya ni Yllana. Pero hindi, kailangan niyang magtimpi hindi pa oras para patulan niya ang kapilyahan ng kanyang asawa.
Ilang sandali pa ay iisa na silang nagpunta sa reception area which is sa beach resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Storm. Doon gaganapin ang kainan ng both families saka konting bonding na din bago tuluyang umalis ang bagong kasal patungo sa kanilang magiging tahanan. Ang mga regalo naman nina Storm at Yllana na galing sa iba't- ibang tao ay may taga-tanggap pagkatapos ay dadalhin na sa kanilang magiging tahanan.
"Shall we go?" Yaya ni Storm hapon na actually malapit ng magdilim.
Nakainom na nga silang lahat pero hindi pa gaanong lasing si Storm.
"Atat ka na bang tikman ako?" pilyang sagot ni Yllana.
Nag-blush ulit si Storm medyo malakas kasi ang pagkakasabi ni Yllana.
"Shut up, let's go!" Bulong na lamang ni Storm.
"Okay but we have to say goodbye to them," sabi naman ni Yllana at hinila na nito si Storm papalapit sa kanilang mga magulang.
Maayos na nagpalaam ang mag-asawa at masaya din silang pinahintulutan ng kanilang mga magulang. Inalalayan naman ni Storm si Yllana na medyo lasing na hanggang sa kanilang sasakyan. Finally na talaga iyon, iuuwi na niya ang dalaga at magsasama na sila bilang mag-asawa. Alam ni Storm na marami pa silang gagawing adjustment sa isa't-isa lalo pa at noon lang din sila nagkakilala nang lubusan.
Two hours passed by ay nakarating na sila sa bungalow style na bahay. Maganda sa labas subalit mas maganda pa ito sa loob. Hindi naman mahilig si Storm nang napakalaking bahay kahit pa mayaman sila. The mansion is good enough for him naman na kasi natutulog pa din naman siya doon.
"Welcome to my simple house, wifey." Wika ni Storm nang makapasok na silang dalawa ni Yllana sa loob.
Ipinalibot naman ni Yllana ang kanyang paningin sa kabuuan ng bungalow. Sinipat niya ang lahat ng sulok nito, lahat ng naroon kahit pa mga vases at accessories na naroon.
"Hmmm...I like it akala mo simple pero ang bongga pala." Tumatangong sagot ni Yllana.
"I'm glad you like it. We have five companions here, si Aling Belen, Olivia, Fidel, Daniel at Mang Pilo." Saad ni Storm.
Naka-kunot noo naman si Yllana dahil wala naman itong nakikitang ibang tao doon maliban sa kanilang dalawa ni Storm.
"Ano ang mga kasamahan natin, mga multo? I didn't see them here," anito.
Napangisi naman si Storm.
"Makikilala mo sila tomorrow, pero sina Mang Pilo, Daniel at Fidel nakita mo na I'm sure." Paliwanag nito.
Napaisip naman si Yllana. "Oh, the driver, bodyguard and the guard am I right?"
Tumango naman si Storm.
"So, dalawa na lamang ang hindi ko pa nakikita okay lang."
"Let's go sa taas para makita mo ang magiging iyong kwarto." Bagkus ay yaya na ni Storm kay Yllana.
"Magiging kwarto ko? You mean, hindi tayo magsasama sa iisang kwarto?" Agad na tanong ni Yllana habang nakasunod ito kay Storm.
Tumigil naman si Storm sa paglalakad nito at muling humarap kay Yllana.
"Bakit, hindi ba dapat?"
Napangisi naman si Yllana. "This is our honeymoon night, baby!"
Napatitig naman si Storm sa mukha ni Yllana na namumungay pa ang mga mata nito. Yllana even licked her red lips sabay kagat pa agad na napakurap-kurap si Storm. He held his breath and looked away trying to be calm and cool.
"Don't tease me, we are still strangers to each other." Babala ni Storm.
Subalit mas lumapit pa si Yllana kay Storm sinadya niyang idikit ang kanyang matayog na dibdib sa kanyang asawa. Nakadama naman agad nang uneasy feeling si Storm at bahagya siyang napaatras.
"Bakit mo ako iniiwasan my dear husband? Am I not attractive enough to be your lover tonight hmmm? Remember, even strangers can go to bed as one!" Nang-aakit ang boses ni Yllana.
Sunod-sunod ang paglunok ni Storm talaga yatang sinusubukan ni Yllana ang kanyang temper.
"You're drunk," pag-iwas pa rin ni Storm.
"No, I'm not. Actually, I'm feeling hot!" Horny na talaga si Yllana.
Mabilis na inalis ni Storm ang mga kamay ni Yllana sa kanyang leeg at hinawakan iyon. Nang akmang hahalikan na siya ni Yllana ay agad niyang pinadapo ang kanyang palad sa batok ng asawa at nawalan agad ito nang malay. Napabuga nang hangin si Storm at kanyang kinarga si Yllana patungo sa guest room. Tinawagan niya sina Aling Belen at Olivia upang mapalitan ng damit si Yllana at mabanyusan na din. Para pagbalik nang malay nito ay nakabihis na siya at nawala na ang pagka- lasing nito. Napagtanto tuloy ni Storm na napaka- delikado pala ni Yllana kapag lasing parang dinaig pa nito ang lalaking uhaw sa laman. Pero hindi maitatanggi ni Storm na nabuhay ang kanyang uragon dahil sa pang-aakit sa kanya ni Yllana. Mabuti na lamang nakapagtimpi pa siya at nakagawa ng aksyon kaagad.
"Pakibihisan po siya at pakilinisan pasensya na po sa abala." Bilin ni Storm nang dumating ang mag- ina.
"Sige po Senyorito, kami na ang bahala kay Senyorita." Sagot naman ni Aling Belen.
"Ang ganda-ganda naman po ni Senyorita!" Bulalas naman ni Olivia.
Agad pinandilatan ni Aling Belen ang kanyang anak na tumahimik din naman kinalaunan. Napatitig naman si Storm sa wala pa ring malay na si Yllana pero agad din siyang nag-iwas.
"Napaano po ba siya Senyorito? Akala ko nga sa Mansyon kayo umuwi na mag- asawa," tanong naman ni Aling Belen habang pinupunasan nito si Yllana.
"Lasing po siya, bukas na kami magpunta doon." Tugon ni Storm at nagpaalam na ito sa mag-ina.
"Hanep 'Nay ang kinis ni Senyorita, masuwerte si Senyorito." Sabi na naman ni Olivia nang silang dalawa na lamang ng Inay nito.
"Tumigil ka na at bilisan natin dito, si Senyorito na ang bahala sa kanya pagkatapos natin siyang linisan at palitan ng damit." Pagsaway naman ni Aling Belen kay Olivia.
Nanulis na lamang ang nguso ni Olivia pero talagang hangang-hanga ito sa taglay na kagandahan ng kanilang Senyorita. Kaya naman excited na ang dalaga bukas para mas makilala pa niya ang instant asawa ng kanilang Senyorito.