KABANATA 13: “C-CARO IS ALIVE?” Hindi makapaniwala si Bruno nang ibalita sa kanya ng kanyang amang si Clemente na buhay si Caro. “Yes he is.” Tumango si Clemente saka dinampot ang babasaging basong may lamang whiskey. “What do you mean he is alive? He was cremated.” “Just go to the Philippines and see it for yourself,” Clemente replied. Hindi na siya nakipagtalo pa sa kanyang ama. Alam niyang hindi ito magsisinungaling sa kanya. Hinid niya maintindihan kung paanong nasa Pilipinas si Caro gayong kitang-kita ng kanyang mga mata na totoong namatay ito. At kung hindi man si Caro ang namatay, siya ang unang makakaalam dahil kilalang-kilala niya ito mula ulo hanggang paa. Si Caro ay matalik niyang kaibigan mula pa noong bata pa sila. Kaya alam niya ang lahat ng katangian nito. “Okay, I’l