KABANATA 1:

1063 Words
KABANATA 1: “WHERE ARE YOU going?” Sa unang pagkakataon, kailangang subukan ni Caro ang magtunog mabait. Hindi niya pa ito nagagawa sa tanang buhay niya ngunit kinakailangan. Kung hindi lamang siya determinadong makatakas sa purgatoryong ito, hindi niya ito gagawin. Marahan siyang tumikhim saka nilingon iyong batang babaeng nakaupo sa waiting area. Nakangiti ang batang babae, naghihintay sa kanyang gagawin. “That girl wants me to pick some flowers for her. She said she’ll bring it to heaven,” he said in the most polite way. “How can I make sure you’re not going to escape?” tanong ng taga-bantay. “You can ask her, or maybe you can get it yourself. But, a lot of people here might escape if you do that.” Kahit na pinilit niya nang maging tunog mabait, tila hindi pa rin iyon naging sapat. Imbes na palabasin siya nito, sinamaan lamang siya ng tingin at inangat ang kamay. Umikot ang kanyang mga mata saka inangat ang dalawang kamay. “Go back to the waiting area,” mariing utos nito. “Fine, if that girl cries, you were the one who did that. Our mighty God will punish you for making a little girl cry,” pagbabanta niya pa. Tinalikuran niya ang taga-bantay pagkatapos ay naglakad pabalik sa waiting area. Doon ay naabutan niya ang batang babae na nakasimangot. “He did not let me pick it up for you,” he said. Mas lalong sumimangot ang bata, saglit lang ay nangilid ang luha sa gilid ng mga mata nito. Bagamat matigas ang puso ni Caro, hindi niya napigilan ang awa sa paslit. “Don’t cry,” sinubukan niya itong patahanin. Ngunit wala itong balak tumahan lalo na nang magsimula itong humikbi. Marahas siyang napalunok nang unti-unti na itong umiyak. Nagtinginan ang mga kaluluwang nasa waiting area. Tila ba inaakusahan siya sa kasalanang hindi niya naman ginawa. “Hey, hey! Don’t cry, they might misunderstand it.” Ngunit walang epekto ang sinabi niya, nagpatuloy sa pag-iyak ang batang babae pagkatapos ay tuluyan na itong umatungal. Merda, merda, merda! Paulit-ulit na mura ni Caro sa kanyang isipan habang sinusubukan niyang itago ang mukha sa ilalim ng malapad niyang kamay. “Gusto k-ko n-no’n!” palahaw nito. Wala siyang nagawa kundi ang tumayo at hawakan ang kamay ng bata. Kinarga niya ito habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Dumiretso sila sa taga-bantay, saka niya pa lamang ito ibinaba. Nanlaki ang mga mata ng taga-bantay nang makita ang batang panay ang iyak. Caro looked around to see people around them. “See this man here? He let this poor little girl cry. He doesn’t let us go to the garden to pick some flowers to offer to God,” Caro said. All of the souls in there gasped. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Caro. Kung ano-ano ang sinabi nila sa taga-bantay, na napakasama raw nito para hindi pagbigyan ang isang paslit. Kakamot-kamot naman ito sa ulo. “Sige, lumabas na kayo. Basta bilisan n’yo.” A sly smile curved into Caro’s lips. Bumaba ang tingin niya sa batang katitigil lang sa pag-iyak at saka ito nginitian. “Come on, let’s go outside.” Hinawakan niya ang maliit na kamay ng batang babae. At nang sa wakas ay buksan na ng taga-bantay ang pinto ang salaming pinto ay nakalabas na sila. Caro sticked to his plan, he needs to run away. He knows, there is a way. Sigurado siyang sa lawak ng gubat sa labas ng harding ito, may paraan para makabalik siya sa kanyang katawan. “Kuya, ayun po oh!” Turo ng batang babae sa bulaklak na gusto niya. Tumango siya at pasimple pang lumingon sa taga-bantay na nakatingin sa kanila, bago niya sinamahan ang bata sa pagpitas ng bulaklak. Nang makarating, tinulungan niya pang pumitas ng kulay puting rosas ang bata. “Do you like this flower?” tanong niya. “Opo, madalas akong bilhan ni Mama ng rosas,” sagot niya. Marahan siyang tumango. Hindi niya hinayaang ang bata ang pumitas ng bulaklak. Siya ang pumitas ng tatlong piraso pagkatapos ay inalis ang mga tinik nito. “Where is your Mom, then?” The little girl smiled. “Naiwan siya e. Sabi niya, susunod na lang daw siya.” Bahagyang natigilan si Caro sa sinabi ng bata. Just by thinking how poor this little girl was, he wanted to curse God for what he did to this little child. Wala itong kamuwang-muwang ngunit namatay ito sa murang edad. “Here,” inabot niya ang tatlong puting rosas sa bata saka niya hinaplos ang buhok nito. Naupo siya at pinantayan ang tingin ng bata. “Go back inside, rest in paradise.” “Paano ka po?” Nginitian niya lamang ang bata pagkatapos ay tumayo na. Tuluyan niya itong pinatakbo palayo sa kanya at nang malapit na ito sa pinto, mabilis siyang tumakbo palabas ng hardin. “CARO DE LUCA!” Mabilis na tinakbuhan niya ang mga taga-bantay. Sa pagkakataong ito, hindi na siya magpapadaig pa sa kapangyarihan ng mga iyon. Binilisan niya ang pagtakbo, umakyat sa bakod palabas ng hardin at tumalon saka muling tumakbo. Hindi na siya nakakaramdam ng pagod, ngunit lahat ng emosyon ay patuloy niya pa ring nararamdaman. Patuloy siya sa pagtakbo, nag-aasam na makatakas sa kamatayang hindi niya pa inasahan. “Caro!” Pahina nang pahina ang boses ng tumatawag sa kanya, habang siya ay patuloy pa rin sa pagtakbo sa kawalan. Ang gubat na ito ay walang kadiliman. Puno ng magagandang bulaklak, nagtataasang puno at tila ba kumikinang. Hanggang sa tuluyan siyang makarating sa isang liblib na parte ng gubat. Wala na ang mga humahabol sa kanya habang lumitaw naman sa harap niya ang isang balon. Kung titingnan, isang simpleng balon lamang ito, ngunit sa kanyang paglapit, kakaiba. Tila may hiwagang bumabalot sa balon. “Caro mio, vuoi tornare indietro e cercare la persona che ti ha ucciso?” My Caro, do you want to go back and look for the person who killed you? Napalingon siya sa boses ng lalaking nagsalita mula sa kanyang likuran. Isang lalaking nakasuot ng kulay itim na business attire. Inaayos pa nito ang kanyang kurbata habang nakatingin sa kanya. “C'è un modo per tornare indietro?” Is there a way to go back? Ngumiti ito nang malapad. “Of course, Caro. There’s a way for you to go back.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD