KABANATA 24: “ANONG SINASABI MO r’yan?!” gulat na tanong ni Dalee kay Caro. Sigurado siyang hindi alam ni Caro kung magkano ang utang nitong si Kokoy kay Andres. “Talaga? Hindi mo na ako sisingilin?” tuwang-tuwang tanong ni Kokoy sa kaharap niyang akala niya’y si Andres. “Oo–” Hindi pa natatapos ni Caro ang kanyang sasabihin ay pumagitna na sa kanila si Dalee. Itinapon ni Dalee ang stick ng sigarilyo sa sahig saka iyon inapakan. “Anong sinasabi mo r’yan? Hindi pwedeng hindi niya ibalik ang perang pinaghirapan ni Andres!” Kumunot ang noo ni Kokoy sa sinabing iyon ni Dalee. Naguluhan siya, si Andres ang nasa harapan nila pero bakit kung tukuyin ni Dalee si Andres ay parang ibang tao ang nasa harapan nila. “Maliit na halaga lang naman siguro iyon–” “Maliit na halaga ba ang isang daang