ABALA sa pagtipa sa cellphone nito si Ingrid habang nakaluklok sa sofa. Kararating lang nito at hindi pa rin siya kinikibo. Bumubuwelo naman si Dwayne upang kausapin ito. Parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik simula nang umuwi ang maglola. Tumikhim siya. Hindi pa rin siya magawang sulyapan ni Ingrid. Kailangan niyang magbukas ng importanteng paksa. “Uhm, last day ko na pala rito bukas. Puwede na raw akong uuwi after na maayos na lahat ng record ko,” sabi niya. “That’s good,” tanging komento nito pero sa cellphone pa rin ang atensiyon. Naisip naman niya ang tungkol sa hospital bill niya. “And about the hospital bill, may I know how much it is in total?” he asked her politely. Sa wakas ay tumitig sa kaniya si Ingrid. “Huwag mo nang isipin ang tungkol sa bill, nabayaran ko na,” an