LUMABAS ng villa si Dwayne at humiga sa hammock. Mabuti active pa ang international prepaid sim niya at merong load kaya puwede niyang tawagan si Wallace. Mabuti sumagot naman ito kaagad. “Dwayne?” sambit nito sa kabilang linya, tila nag-alangan pa baka inisip na si Ingrid pa rin ang kausap nito. “Yes, it’s me,” aniya. Itinaas niya ang kaniyang mga paa. “Hey! How are you, bro? You haven’t called me to give me some update about your situation.” Kaagad itong pumalatak. “I’m busy.” “Busy saan? Sa pagpapanggap? Hulaan ko, naka-score ko na sa ex-wife mo, ano?” Natawa siya. “Kahit hindi mo hulaan, alam kong alam mo na. But wait, ano pala ang balita?” aniya. “Buwisit na Mariano ‘to!” Panay ang buga ng hangin ni Wallace kaya parang pinapalo ang tainga niya. “Bakit?” amuse niyang tanong. “