IIWAN sana ni Ingrid si Jake pero pinigil siya nito sa kanang braso. Napilitan siyang harapin itong muli. Hindi niya gusto ang nalaman na naiinis pala ito sa anak niya. “Sorry, nainsulto lang ako kasi nag-effort naman ako para makuha ang loob ni Slather. At saka hindi ko naman siya sinigawan, eh,” anito. Iniwaksi niya ang kamay nito. “Kilala ko ang anak ko, Jake. Minsan talaga suplado siya at prangka magsalita. Pero tatlong taon lang siya, Jake. Hindi maiiwasan sa mga bata ang maging iritable,” aniya. “Pero hindi naman ganoon si Slather, eh, na halos ipamukha sa akin na walang kuwenta ang laruang binibigay ko sa kaniya.” “Sa ano ang gusto mong palabasin?” “I think sinusulsulan ng ex mo si Slather para maging salbahe.” “What?” Lalo siyang nairita sa sinabi nito. “Napansin mo naman ka