bc

Isla Romansa

book_age18+
238
FOLLOW
1.3K
READ
dark
HE
arrogant
badboy
boss
bxg
bold
campus
like
intro-logo
Blurb

Meseeyah is an eighteen years old Island woman who is content with life on a small island called Isala Plaez, known as the Island of Romance.

Because of the many tourists who came to visit the Island, she met Roman and Moses-- the two men who had confused in her heart. They also caused the loss of her innocence.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 (Paraluman)
Huni ng mga ibon ang namayani sa loob ng simbahan at ang mangilan-ngilang bulong ng panalangin ng kapwa ko nagdarasal. Ilang taon na akong naging sugo ng Diyos. Isa ako sa mga choir ng simbahan. Kung may mga patay, kasal man o binyag ay palagi akong nandirito upang maglingkod. Lalo na ngayong Linggo at natapos na ang pagsimba ngunit may iilang taong gustong payapa at mataimtim ang pagsimba kaya nagpahuli. Ganoon rin ako.Kakatapos lang ng simba at nananalangin. Namula ang aking tuhod ng tumayo. Inayos ko ang saya ng puti kong bestida para sa araw na ito. May dalawang nag uusap na ginang sa aking likuran na hindi ko napansin. Papalapit na ako sa likurang bahagi ng simbahan at hahanapin si Tiya Betty para magpaalam. "Ewan ko kung bakit nandito iyan. Nagsisilbi sa Diyos pero may lihim naman!" "Nagpalaglag nga 'raw iyan sabi ni Josing! At alam mo bang' mismong mag-ama ay tinutuhog niyan!" Nagkunwari ako na wala akong narinig. Simula pa noon ay nasanay na ako. Hindi na iyon bago pa sakin. "Tiya," tawag ko kay Tiya Betty at hinawakan siya sa braso. "Mauuna na ho ako." Ngumiti siya sa akin. "Salamat Meseeyah. Napakabuti mong tao dahil walang sawa kang naninilbihan sa Diyos." Mataman akong ngumiti. "Wala ho iyon Tiya. Mauna na ako at may pupuntahan pa." Umalis ako sa simbahan at nag abang ng traysikel. Ang probinsya ng Sta. Plaez ay malayo sa siyudad. Halos puro lupa ang daan at hindi ka makakakita ng matatayog na building katulad nang nasa Maynila. Ni hindi rin ako nakarating pa ng Maynila. Tanging sa telebisyon ko lang iyon nakikita at nauuhaw ako sa mga bagay na mayroon ang Manila. Dito sa Sta. Plaez ay hinati ng kabundukan at karagatan dahil kailangan pang sumakay sa bangka bago mo marating ang Sta. Plaez o kung tawagin nila ay Isla Romanza. Sa Isla na ito 'raw ay laging may nabubuong hiwaga. Hiwaga ng pag-ibig. Na kung sinuman ang makakapag bakasyon dito ay papalarin sa pag-ibig. Bumaba ako sa traysikel na aking pinahinto upang makabili ako ng aking sadya. Isang de-kahoy na tindahan na minsan ko nang nabilhan. "Ale, t-tatlong diaper ho at tatlong gatas na swak." huli na natanto ko na maraming kumakain sa ikalawang banda. Napatingin sa akin ang mga kumakain doon kaya inayos ko ang barabal na nasa aking mukha. "Yan lang?!" halos mapakislot ako sa sigaw ng ale. " Ah, isang isdang ulam rin ho." "Otsenta lahat! Oh!" padaskol niyang nilagay ang aking biniling diaper at gatas. Kinuha ko naman iyon at inantay ang ulam na binili. Habang ako ay nag aantay sa pagsalin ng ale ng aking ulam na binili sa supot ay hindi ko maiwasan ang marinig na naman ang kanilang bulungan. "Di'ba yan ang paraluman ng Isla? Lagi nalang yan kinahuhumalingan ng mga dayo dito dahil ginagayuma niya?" "Tama ka diyan George! Ang sarap siguro ng batang ina na iyan!" "Kating kati na nga ako diyan!" "Alam mo bang nabuntis yan pero wala namang nakaalam na lumaki ang tiyan niya! Basta nalang nagluwal ng anak! At kinakain raw niyan ang mga lalaki na binabaliw niya!" "Basta raw kasi may anak na..Wild yan!" "Mag ingat ka diyan Tado!" Umingay ang kanilang iba't ibang istorya para sa akin. Bawat salita nila ay nasasaktan ako. Kinuha ko nalang ang inabot sa akin na supot. Maalinsangan at mataas na ang araw ng makarating ako sa aming bahay kubo na maliit. Nasa gilid lamang iyon ng dalampasigan ng karagatan. Ang aming bahay ay napapaligiran ng mga nipa at malalaking bato na mula sa dagat. Dito na ako lumaki at hindi naman kami nakakaranas ng trahedya dahil sa karagatan. "Mabuti naman nandito kana Meseeyah." wika ni lola habang dinuduyan ang batang nasa loob nito. Mahimbing na natutulog si Shell sa duyan. "Pasensya kana lola. Ang dami kasing tao kanina sa simbahan bago ako makadasal." "Ayos lang. Kakatulog lang ng anak mo na makulit. Grabe iyong iyak kanina." Huminga ako ng malalim at tinitigan si Shell na anim na buwan palang. Mahimbing siyang natutulog. "Salamat lola." hinalikan ko si lola sa buhok at ngumiti siya sakin. "Hmp! Mabuti nalang at malambing ka sa akin kaya mahal na mahal ko kayo ng apo ko. Oh siya! Kukuha lang ako ng basket at kukuha ako ng kangkong para sa ating hapunan mamaya." "La! Baka habulin na naman kayo ng baboyramo!" "Malakas akong tumakbo Meseeyah kaya ayos lang! Hindi madali maghanap ng makakain ika nga." Ngumuso ako para pigilan ang aking tawa. Si Lola talaga! Dahil nga tulog pa si Shell ay binuksan ko ang bintana na kaharap ng karagatan para makalanghap siya ng sariwang hangin. Bumulusok agad ang malakas na hangin kaya napangiti ako. Binuksan ko ang lumang cabinet upang makapag bihis ng damit. Hinubad ko ang aking bestida na puti at bra bago hinila ang daster na brown. Humarap ako sa bintana at nakita ang isang mangigisda na nakatitig sa akin mula sa laot. Nagtagpo ang aking kilay at tinitigan ng mabuti ang lalaki. Kayumanggi ang kanyang balat na kumikinang sa kainitan. Umiwas siya ng makita niyang nahuli ko ang kanyang tingin. Umiwas ako at pinagpatuloy ang pagbibihis. Hindi na pinansin ang lalaking nakatitig. Dalawang dibisyon lamang ang aming bahay kubo. Ang sala namin na doon na rin kumakain at naghuhugas ng pinggan. Sa kabila ay ang aming kuwartong tatlo ni lola at Shell. Ang dagat ay siya nang aming pinapaliguan araw araw kahit na mayroon kaming balon sa hindi kalayuan. SUMAPIT ang gabi at napansin ko ang mataas na lagnat ni Shell. "Lola!" parang nanlambot ako.Ito iyong kinatatakutan ko. Ang magkasakit si Shell dahil isa lamang ang botika dito sa Sta. Plaez at ang hospital naman ay kailangan pang sumakay sa bangka. "Lola! A-Ang taas ng lagnat ni Shell!" "Ano? Diyos ko!" Kinuha agad ni lola si Shell at kinalong. Nagmadali akong hanapin ang pitaka ko at tinitigan ang 200 pesos na laman nun. Dinangundong ako ng kaba ng nagsuka pa si Shell at nadamay ang suot ni lola. "La, kayo na munang bahala kay Shell ah? Bibili akong gamot baka magsara ang botika." "May pera pa ba tayo Meseeyah?" may takot sa boses ni lola. Alam niyang walang wala kami at hindi na iyon magbabago. "Oho. May 200 po ako dito. Ako nahong bahala lola." Tumango si lola at pinatahan ang aking anak. Hinalikan ko si Shell at doon palang ay gusto ko nang maiyak. Madilim na ang daan habang tinatahak ko papunta sa botika. Ang totoo alam kong ilang oras pa bago ako doon makarating kaya ang lakad ko ay mabilis. Kahit iniwan ako ng ama ni Shell ay mahal na mahal ko parin ang anak ko. Siya ang nagbigay sa akin ng pag asa kahit paano. Noon nang malaman na buntis ako ay hindi na ako kinatagpo pa ni Roman. Si Roman na isang lalaking mula Manila. Nagkamali man ako pero itinuring kong blessings si Shell. Ako ay kinabahan ng makita ang ilaw ng isang sasakyang pamilyar sa akin. Dito sa Isla kapag may sasakyan, ibih sabihin ay pinasakay pa sa barko ang sasakyan papunta dito lalo na pamilyar ito sa akin. Namanhid ang aking buong katawan ng tumigil iyon sa gilid ko mismo at lumabas ang taong hindi ko inaasahan. Natuod ako sa kinatatayuan kong’ lupa nang makita ang galit na titig ni Moses sa akin. "Saan ka pupunta?!" hinagip niya ang aking braso. Nagimbal ako sa galit na nunuot sa kanyang mga mata. "Bitawan mo ako Moses!" "Afraid e? Natatakot kang makita ko ang anak ko?" Nanlaki ang aking mga mata. "Hindi mo anak si Shell!" Ang mata niya ay nahaluan ng pagkabila pero nanumbalik naman agad ang galit. "Really huh? Mahirap ano? Mahirap isipin kung sino ang ama gayong marami kami ang nilalandi mo noon! Oras na malaman ko na akin si Shell hinding hindi mo siya makukuha sa akin!" Tila iyong sumpa sa akin. Mas dumami pa ang aking suliranin dahil doon. Mabilis niyang pinaharurot ang kotse niya paalis kasabay nang mga alaala namin noon. Si Roman ay kaibigan ni Moses. Nanumbalik ang mga araw at gabi ko sa dalawang lalaking may lugar sa aking puso. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sadya ang kamalian ko noon na nagpatukso sa kanilang mga halik. Hindi na importante pa kung kaninong anak si Shell. Ang importante..mahal ko siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook